2 bata patay sa sunog | Bandera

2 bata patay sa sunog

John Roson |February 08,2018
facebook
share this

2 bata patay sa sunog

John Roson - February 08, 2018 - 06:45 PM
Nasawi ang dalawang batang magkapatid nang lamunin ng apoy ang kanilang bahay sa Bacoor City, Cavite, Huwebes ng umaga. Wala nang buhay at kapwa pinaniniwalaang na-suffocate sa usok ang dalawa, na kinilala lang sa mga tawag na “Anna Mae,” 6, at “Armando,” 4, ayon sa ulat ng Cavite provincial police. Nagsimula ang sunog sa bahay na nasa Figueroa Lane, Cuneta Compound, Brgy. San Nicolas II, dakong ala-1. Natutulog sa kanilang silid ang mga bata nang maganap ang sunog, ayon sa ulat. Naapula ng mga bumbero ang apoy alas-2:33. Sa inisyal na imbestigasyon, lumabas na nagmula ang apoy sa napabayaang kandilang may sindi.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending