Hugot movie nina Bela at Carlo Grade A sa CEB | Bandera

Hugot movie nina Bela at Carlo Grade A sa CEB

Jun Nardo |February 08,2018
facebook
share this

Hugot movie nina Bela at Carlo Grade A sa CEB

Jun Nardo - February 08, 2018 - 12:01 AM


UMUGONG muli ang ispekulasyon sa social media na mag-aalsa-balutan si Maine Mendoza sa kanyang network nang lumutang siya sa celebrity premiere ng Carlo Aquino-Bela Padilla starrer na “Meet Me In St. Gallen” last Tuesday sa Trinoma Cinema.

Nakalimutan na ng marami na ang director ng movie na si Irene Villamor siyang naging director ng Destined To Be Yours last year na pinagbidahan nina Meng at Alden Richards. Kasama ngang dumalo ng Phenomenal Star sina Sheena Halili at Juancho Trivino na nakasama niya sa DTBY.

Lumabas na naman ang pagiging fan girl ni Meng nang magpa-picture sila ni Carlo. Matapos mapanood ang movie, agad siyang nag-tweet ng congratulations kay Direk Irene dahil sa magandang pagkakagawa ng movie.

Star-studded ang premier ng movie dahil present ang isa sa producers na si Piolo Pascual, ilang Viva stars at artista mula sa isang network.

Nabigyan ng Grade A ng Cinema Evaluation Board ang “MMISG” kaya naman malaki ang pag-asang tumabo ito sa takilya, huh!

q q q

Ginastusan talaga ng Regal Entertainment ang Elmo Magalona-Janella Salvador starrer na “My Fairy Tail Love Story.” Sobrang ganda ang beach na ginamit sa movie at sosyal ang iba pang location, huh!
Swak na swak din kay Janella ang role niyang brat na sirena. Si Elmo naman, guwaping na guwaping ang dating bilang secret lover ng dalaga.

Of course, hindi naman nagpahuli si Kiko Estrada sa paglabas ng kaguwapuhan niya bilang chick boy na DJ. Malakas din ang chemistry nila ni Janella, huh!

Malaking factor din ang theme song na “Be My Fairy Tail” para umangat pa lalo ang gand ng movie. Winner ‘yung eksenang kinakanta nina Janella, Elmo at Kiko ang theme song, huh!

Magbubunyi rin ang ElNella fans sa mga kilig moments ng idols nila. Pero tama ang Regal na hindi ito ordinaryong love story. Yes, may happy ending sina Elmo at Janella pero isang malaking twist ang tatambad sa manonood!

Best Valentine movie date ang “MFTLS” na binigyan ng Grade B ng Cinema Evaluation Board.

q q q

Eksplosibo ang mapapanood na pagtatapos ng Impostora bukas. Sa mga eksenang naglalaban ang dalawang Kris Bernal, super dusa talaga ang Kapuso actress na halos umayaw na!

Pero ngayon, biyahera muna ang drama ni Kris dahil tinupad niya ang blowout sa sarili na after ng taping ay pupunta sa Iceland para makita ang Northern Lights. Kaya sa kanyang Instagram Stories ipinagmalaki niya ang pagta-travel doon.

‘Yun nga lang, naimbyerna si Kris dahil may bagahe siyang hindi nakarating. Doon pa naman nakalagay ang snow boots niyang gagamitin sa snow. Minus four degrees pa naman ng temperature sa Iceland!

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Di bale, balita namang kasama niya ang BF niyang businessman na magpapainit sa kanya sa malamig na bansang pinuntahan, huh!

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending