Mga bagets takot na takot sa mga bampira | Bandera

Mga bagets takot na takot sa mga bampira

Reggee Bonoan |February 08,2018
facebook
share this

Mga bagets takot na takot sa mga bampira

Reggee Bonoan - February 08, 2018 - 12:20 AM


“HINDI sa tala sa langit….kundi sa buwang nakasilip…Ibigay ang hiling…. nang matang nakapikit!”

Ito ang madalas sambitin ni Kathryn Bernardo bilang si Malia sa fantaseryeng La Luna Sangre na ginagaya parati ng mga batang nanonood nito habang nakatingin sa buwan.

Pero hindi inakala ng mga bagets na ang napapanood nila sa TV ay mangyayari sa tunay na buhay dahil sa nangyaring lunar eclipse last Jan. 31 kaya naman maraming bata ang natakot.

Imbes na matawa kami ay naawa kami sa batang si Xyriel na anak ng katiwala ng pinagpaparkingan namin, ayaw na raw nitong lumabas ng bahay lalo na kapag dumilim na dahil baka makita ulit nito ang Blood Moon.

Kuwento ng nanay ng bagets, “Natakot si Xyriel kasi ‘yung nangyari nga nu’ng gabi (lunar eclipse), e, parati siyang nanonood ng La Luna Sangre.”

Inakala raw kasi ng bata na totoo ang mga bampira at lobo kapag may nagiging pula na ang buwan ay maglalabasan na ang mga ito.

Nataon pa na may pinatay na bata nu’ng inabangan ng mga bampira ang mga lobo sa pangunguna ni Jake (Tony Labrusca) kaya hayun natakot lalo nang husto ang bagets.

Sabi pa ng isang bagets sa amin, “Totoo po pala ang bampira at lobo?” Sabi naman namin, palabas lang iyon kaya hindi sila dapat matakot.

Ganyan kalakas ang impact ng La Luna Sangre sa mga bata, bossing Ervin.

Anyway, mukhang babaliin ni Tristan (Daniel Padilla) ang sumpang tinta dahil hindi siya kakampi ng kuya niyang si Sandrino (Richard Gutierrez) na gustong patayin ang lahat ng taong hindi sumasang-ayon sa kanya.

Galit na galit si Tristan nang malamang may pinatay na bata ang isa sa kampon ni Sandrino kaya naman pinatay din niya ito. Akala tuloy ng kampo nina Jake ay si Tristan ang nag-utos na patayin ang mga lobo kaya hinahanting siya ngayon.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending