Nanay na-confine sa ospital dahil kina Alden at Maine; anak nagmakaawa sa GMA 7, Bulaga | Bandera

Nanay na-confine sa ospital dahil kina Alden at Maine; anak nagmakaawa sa GMA 7, Bulaga

Jun Nardo |February 07,2018
facebook
share this

Nanay na-confine sa ospital dahil kina Alden at Maine; anak nagmakaawa sa GMA 7, Bulaga

Jun Nardo - February 07, 2018 - 12:45 AM

MAINE MENDOZA AT ALDEN RICHARDS

NAG-POST sa social media ang netizen na si @jennie_tibay1575 upang ipaalam na naapektuhan ang kanyang ina na isang AlDub fan dahil matagal na niyang hindi napapanood na magkasama sina Alden Richards at Maine Mendoza.

Nasa kama ang may sakit na ina ng netizen na dahil sa araw-araw na nag-iisip kung bakit hindi na pinagsasama ang magka-loveteam ay na-confine na raw.

“Grabe po ang lagay ng mother ko…@eatbulaga1979 WE WANT ALDUB para po gumaling na mother ko. Pls po,” pakiusap ng netizen.

May ilang AlDub fans na bumisita sa nanay na may sakit mula sa Rizal. Nakiusap din sila na pagsamahin na sana ng Eat Bulaga at GMA sina Alden at Maine para makatulong sa paggaling ng kanilang loyal fan.

Samantala, nakakuha na ng lead ang management ni Meng, ang Triple AAA, kung anong grupo ang gustong manira sa Phenomenal Star on line. Handang magbayad ang grupong ito para lang masira ang Dubsmash Queen.

Ayon kay Rams David, President ng Triple A, pinadala na nila sa kanilang legal team ang screen shot ng nakuha nilang conversation sa text para mabigyan ng warning na itigil na ang masamang plano ng grupo laban kay Maine.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending