Horoscope, February 06, 2018 | Bandera

Horoscope, February 06, 2018

Madam Sophia |February 06,2018
facebook
share this

Horoscope, February 06, 2018

Madam Sophia - February 06, 2018 - 12:15 AM

Para sa may kaarawan ngayon: Habang nakasuot ng kulay na pula malaking halaga ang maibubulsa. Sa pag-ibig, habang nalalapit ang araw ng mga puso, laging mag suot ng kulay na pula upang makaranas ng masayang pag-ibig at masarap na romansa. Mapalad ang 3, 12, 24, 30, 33, at 42. Mahiwaga mong mantra: “Abra-Ca-Dabra.” Bukod sa red buenas ang violet.

Aries – (Marso 21-April 19)—Kahit na may malaking gastusin, malaking halaga naman ng salapi ang biglang darating. Sa pag-ibig, ngayon pa lang pag handaan na ang Valentine’s day. Mapalad ang 3, 8, 18, 27, 37, at 45. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Bis-Bnevit-Om.” Red at pink ang buenas.

Taurus – (April 20-May 20)— Panahon mo ngayon, kaya upang umunlad simulan na ang negosyong may kaugnayan sa pagkain. Sa pag-ibig ngayon pa lang iplano na ang gagawing pakikipag-date sa kasuyong matampuhin. Mapalad ang 6, 9, 27, 33, 42 at 48. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Garuda-Om”. Purple at lilac ang buenas.

Gemini – (May 21-June 21)—Mag-concentrate sa iisang gawain lamang, sa ganyang paraan mas madali kang yayaman. Sa pag-ibig, ibuhos ang lahat ng atensyon sa minamahal. Mapalad ang 5, 14, 23, 32, 38 at 49. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Namo-Om.” Silver at blue ang buenas.

Cancer – (June 22- July 22)— May babala ng karamdaman! Nangangailangan ng pahinga upang muling mapasigla ang pangangalakal. Sa pag-ibig, mag-request sa kasuyo ng pagkaing puro gulay at prutas upang ang immune system ay lumakas. Mapalad ang 9, 12, 15, 24, 33, at 48. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Durate-Rebus.” Green at white ang buenas.

Leo – (July 23 – August 22)— Pakikipagsosyalan ang susi upang umunlad. Sa isang pagtitipon, na iyong dadaluhan may malaking halaga ng pagkakakitaan. Sa pag-ibig, sa isang social gathering makakatisod ka ng jackpot na true love. Mapalad ang 1, 17, 28, 33, 44 at 47, Mahiwaga mong mantra: “Aum-Nakiel-Om-Hagiel.” Purple at lilac ang buenas.

Virgo – (August 23 – September 22)— Kahit na maraming trabaho kailangang regular na mag-exercise. Aanin ang bulto-bultong salapi kung magkakasakit ka naman? Sa pag-ibig, yayain ang kasuyo sa isang pribadong swimming pool. Mapalad ang 3, 12, 27, 33, 39 at 42. Mahiwaga mong mantra: “Sator-Arepo-Tenet-Opera.” White at blue ang buenas.

Libra – (September 23-October 23)— Oo nga’t hindi natatapos ang problema, pero kusa naman itong lumilipas. Tuloy mo lang ang ginagawa mo sa ngayon at darating ang saktong panahong yayaman ka. Sa pag-ibig, kahit maraming problema busugin pa rin ang kasuyo sa romansa. Mapalad ang 1, 10, 19, 34, 41, at 44. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Omne-Venit.” Beige at yellow ang buenas.

Scorpio – (October 24 – November 21)— Ituloy mo lang ang dati mo ng ginagawang lakas ng loob at tapang. Makikita mo, tuloy-tuloy ng aangat ang inyong kabuhayan hanggang sa tuluyan ka na ring yumaman. Sa pag-ibig, konting bulyaw pa sa minamahal, susunod din siya sa iyo ng walang angal. Mapalad ang 6, 16, 25, 34, 41 at 44. Mahiwaga mong mantra: “Jai-Guro-Deva-Om”. Green at red ang buenas.

Sagittarius – (November 22 – December 21)— Sa pag-ibig, kahit pangit ang kasuyo, magpasalamat ka dahil kahit masungit ka pinagtiyagaan ka nyang mahalin. Sa pinansyal panatiliin ang pagiging kuripot upang lalo ka pang umunlad. Mapalad ang 4, 17, 26, 34, 36 at 49. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Minna-Galla-Om.” Red at black ang buenas.

Capricorn – (December 22 – January 19)— Mahirap magbago ng career! Ang mas mahalaga, makaipon ng maraming-maraming pera. Sa pag-ibig, tuloy pa rin ang relasyon matagal mo nang balak na takasan. Mapalad ang 5, 18, 27, 32, 41 at 47. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Tatha-Yantra-Om.” Black at apple green ang buenas.

Aquarius – (January 20 – February 18)— Sa pag-ibig, may problema na naman, pero kailan ba nawala ang iyong mga problema? Hindi ba’t lagi namang mayroon? Upang tuluyan ka ng lumigaya, maghanap ng isang Libra na walang gaanong itshura sa kanya ka habang buhay naliligaya. Sa pinansyal, tulad ng dati, magkakapera at pagkatapos ay mauubos din. Mapalad ang 6, 9, 27, 33, 42 at 48. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Garuda-Om”. Red at lilac ang buenas.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Pisces – (February 19 – March 20)— Maglinis ng mga abubot upang umaliwalas ang tahanan. Kapag malinis na ang lahat sa iyong silid may isang di inaasahang romansahang mararanasan. Sa pinansyal, isang negosyo lang ang dapat upang mas mabilis na umunlad. Kalakal na itinatanim. Mapalad ang 7, 16, 34, 42, 27 at 48. Mahiwaga mong mantra: “Hare-Krisna-Krisna-Krisna.” Green at orange ang buenas.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending