Selosan pa more: James, Nadine, nagkaroon ng matinding away dahil kay female model | Bandera

Selosan pa more: James, Nadine, nagkaroon ng matinding away dahil kay female model

Alex Brosas |February 06,2018
facebook
share this

Selosan pa more: James, Nadine, nagkaroon ng matinding away dahil kay female model

Alex Brosas - February 06, 2018 - 12:01 AM


NAGLALABASAN  na ang chika against JaDine tandem of James Reid and Nadine Lustre.

It was obvious na sila ang tinutukoy sa isang blind item na lumabas sa isang website.

Napagsabihan daw ng management ang dalawa dahil sa naging cause of delay sila sa shooting ng kanilang movie. Na-pack-up ang shooting nila at tumalak ang kanilang director na si Antoinette Jadaone sa kanyang social media account.

Dalawa ang chikang lumutang. Una, lasing daw si James at may matinding hangover kaya naman hindi nito carry ang mag-shooting.

Pangalawa, Nadine posted a photo of her medical record which showed na may sakit siya. In an interview with Boy Abunda, she explained her illness.

According to the blind item, nagbalik na naman daw si James sa pagiging party animal. Napapadalas daw ang gimik nito na inaabot ng madaling-araw kaya naman hindi na nito nagagawa ang ilang showbiz commitments.

Ayon pa rin sa blind item, may mga umaali-aligid din daw na mga babae dito including a model na na-link sa kanya kaya naman naimbiyerna si Nadine at naging sanhi iyon ng kanilang away.

Bilang damage control, pinagsabihan daw sina James at Nadine na maging sweet sa kanilang social media account na agad-agad naman nilang sinunod. Kaya nga raw naglabasan ang photos at videos nila na sweet na sweet ang kanilang shots.

True ba ang lahat ng ito, James, Nadine? Care to explain?

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending