Barangay vehicle nakanal, kagawad patay | Bandera

Barangay vehicle nakanal, kagawad patay

John Roson |February 05,2018
facebook
share this

Barangay vehicle nakanal, kagawad patay

John Roson - February 05, 2018 - 06:23 PM
Nasawi ang isang barangay kagawad ng Burgos, Ilocos Sur, nang mahulog sa isang kanal sa bayan ng Sta. Maria ang service vehicle ng kanilang lugar, matapos umano siyang atakehin sa puso habang nagmamaneho. Dead on arrival sa ospital si Ferdinand Lugayan, 58, residente at kagawad ng Brgy. Mambug, ayon sa ulat ng Ilocos regional police. Naganap ang insidente dakong alas-6:30 ng gabi Sabado, sa Brgy. Poblacion Sur. Minamaneho ni Lugayan ang multicab service ng Mambug pa-timog, nang mahulog ito 2 metro pababa sa road shoulder, ayon sa ulat. Di kinakitaan si Lugayan ng pinsala sa katawan, kaya pinaniniwalaang inatake sa puso habang nagmamaneho, ayon sa pulisya.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending