Horoscope, February 05, 2018 | Bandera

Horoscope, February 05, 2018

Madam Sophia |February 05,2018
facebook
share this

Horoscope, February 05, 2018

Madam Sophia - February 05, 2018 - 12:15 AM

Para sa may kaarawan ngayon: Susuwertehin ka sa araw na ito kung magsusuot ng alahas na silver. Sa pinansiyal, sa alahas na silver madagdagan ang kinikita. Sa pag-ibig, ang silver na singsing kung laging susuutin ang magpapainit ng nanlalamig na relasyon. Mapalad ang 5, 18, 23, 32, 39 at 45. Mahiwaga mong mantra: “Visnu-Purana-Om.” Bukod sa silver buenas din ang red.

Aries – (Marso 21-April 19)—May malaking halaga ng salapi na darating. Wag ipagmayabang ang hawak na pera, upang hindi ka mautangan. Sa pag-ibig, manatiling tapat sa kasuyong Sagittarius. Mapalad ang 5, 9, 23, 35, 45, at 48. Mahiwaga mong mantra: “Om-Shari-Dosya-Om” Blue at red ang buenas.

Taurus – (April 20-May 20)—Ang ginagawang pagsisikap sa ngayon ay may malaking gantimpala sa araw ng bukas. Sa pag-ibig, habang lumalamig ang panahon patuloy sa pagsarap ang pag-iibigan at romansahan. Mapalad ang 7, 14, 22, 31, 40 at 49. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Gorocha-Om-Sandapha.” Brown at gray ang buenas.

Gemini – (May 21-June 21)— Isip ang magbibigay sa iyo ng suwerte sa taong ito ng 2018. Basta’t pinag-isipan mong mabuti ang anumang iyong ginagawa malaking halaga ng salapi ang iyong kikitain. Sa pag-ibig, imbis na puso pairalin ang rason ang sundin upang habang buhay na lumigaya. Mapalad ang 1, 13, 26, 35, 40 at 48. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Jeva-Om-Jhana-Om.” White at green ang buenas.

Cancer – (June 22- July 22)—Kung muli mong babalikan ang nakaraan manghihinayang ka lang. Ituon mo ang iyong isipan sa future sa partikular sa pagkakaperahan, dahil sa taong ito ng 2018 kung tututok sa materyal na bagay, malaking halaga ng salapi ang iyong mahahawakan. Mapalad ang 2, 8, 19, 25, 43 at 49. Mahiwaga mong mantra: “Om-Mohan-Aum-Karan.” Green at yellow ang buenas.

Leo – (July 23 – August 22)—Nakatakda ka ng suwertehin ngayong taong ito ng 2018. Kaya kung anuman ang mga plano na hindi mo nagawa at naipatupad noong nakaraang taon, gawin mo na ngayon at tiyak na magtatagumpay ka. Mapalad ang 6, 17, 27, 36, 39, at 45. Mahiwaga mong mantra: “Om-Kubera-Aum-Regama.” Red at lilac ang bueans

Virgo – (August 23 – September 22)—Hindi dapat tumunganga at tanggapin na lang ang mga nangyayari. Kung hindi palalaguin ang salapi paano ka yayaman? Sa pag-ibig kung hindi lalambingin ang kasuyo hindi iinit ang relasyon at mapupurnada na naman ang romansahang iyog binabalak. Mapalad ang 1, 13, 26, 35, 40 at 48. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Jeva-Om-Jhana-Om.” White at green ang buenas.

Libra – (September 23-October 23)—Ituloy ang binabalak na paglalakbay. Sa malayong lugar mas madaling aangat ang kabuhayan. Sa pag-ibig, higit na masarap ang romansa sa kasuyong Virgo kung pansamantalang hindi mo na kayo magkikita, upang lalo nyong ma miss ang isat-isa. Mapalad ang 2, 10, 29, 34, 39, at 47. Mahiwaga mong mantra: “Om-Adonai-Om-Elohim.” Lilac at blue ang buenas.

Scorpio – (October 24 – November 21)—Wag bilangin ang itlog hanggang hindi napi-pisa. Kumilos lang ng kumilos, imbis na mag-kuwenta agad ng kinikita at kikitain pa. Sa pag-ibig, hindi dapat hanapan ang kasuyo, dahil ikaw din naman ay maraming pagkukulang sa kanya. Mapalad ang 8, 17, 26, 35, 40 at 49. Mahiwaga mong mantra: “Krisna-Krisna-Rama-Rama!” Purple at yellow ang buenas.

Sagittarius – (November 22 – December 21)—Huwag mong intindihin ang mga naninira sa iyo, ang mas mahalaga, ituloy mo lang ang iyong ginagawa dahil ang tagumpay sa materyal na bagay at abot kamay muna. Sa pag-ibig, unti-unti ng nakakahalata ang kasuyo na palagi mo siyang inuutusan, kaya lang payag naman siya dahil umpisa pa lang alam nya na, na ganon ang magiging trato mo sa kanya. Mapalad ang 3, 18, 22, 32, 35 at 49. Mahiwaga mong mantra: “Sol-Dasa-Om.” Gold at orange ang buenas.

Capricorn – (December 22 – January 19)—Huwag makipag-landian sa iba, may babala ng pagtataksil. Manatiling tapat sa kasuyong Cancer. Sa panansiyal, tuloy-tuloy ang agos ng maraming pera. Panahon na upang mag-tipid at mag-ipon para sa future ng pamilya. Mapalad ang 6, 18, 27, 36, 40 at 46. Mahiwaga mong mantra: “Harim-Haribol-Aum.” Pink at purple ang buenas.

Aquarius – (January 20 – February 18)—Unti-unti mo ng matatakasan ang mabibigat na mga problema. Magpakalango sa tagumpay, i-blow-out ang sarili. Sa pag-ibig, wag mo ng intindihin yong mga taong hindi naman sa iyo nagmamahal. Muling hanapin at balikan ang isang Libra na iyong pinakawalan. Mapalad ang 4, 15, 22, 35, 41 at 49. Mahiwaga mong mantra: “Yama-Soda-Vinda-Rama.” Red at orange ang buenas.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Pisces – (February 19 – March 20)— Maiibsan ang problema dahil sa isang kasama na tatangap ng malaking halaga at pagkatapos ay maaabutan ka rin niya. Sa pag-ibig, sabihin sa kasuyong; “Magtipid-tipid ka naman upang umunlad ang ating buhay!” Mapalad ang 1, 19, 28, 33, 37 at 45. Mahiwaga mong mantra: “Om-Nahmeh-Aum.” Orange at black ang buenas.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending