Ryza Cenon 'nambugbog' para pasayahin ang mga basher | Bandera

Ryza Cenon ‘nambugbog’ para pasayahin ang mga basher

|February 05,2018
facebook
share this

Ryza Cenon ‘nambugbog’ para pasayahin ang mga basher

- February 05, 2018 - 12:20 AM

RYZA CENON

MAGANDA ang naging simula ng taon para sa GMA Network matapos nitong mapanatili ang pagiging number one sa nationwide TV ratings noong Enero ayon sa Nielsen TV Audience Measurement.

Para sa buong buwan ng Enero (kung saan base sa overnight data ang Enero 21 hanggang 31), nagtala ang Kapuso Network ng average total day people audience share na 43.7% sa National Urban Television Audience Measurement (NUTAM).

Panalo rin ang GMA sa lahat ng dayparts sa NUTAM. Sa morning block, nakakuha ng 42.3% people audience share ang GMA habang sa afternoon block nakapagtala ito ng 47.3% at 41.5 naman sa primetime.

Sa Urban Luzon, nagtala naman ng 49.2% total day people audience share ang GMA habang 51.9 naman sa Mega Manila.

Tuloy pa rin ang pamamayagpag ng GMA shows sa listahan ng top-rating programs sa NUTAM sa pangunguna ng award-winning news magazine show na Kapuso Mo, Jessica Soho na siyang most-watched GMA show para sa buwan ng Enero.

Pasok din sa listahan ang Magpakailanman; Sherlock Jr.; Pepito Manaloto; 24 Oras; Super Ma’am; Kambal, Karibal; Daig Kayo ng Lola Ko; All-Star Videoke; at Sirkus.

Maganda rin ang naging rating performance ng weekend primetime newscast na 24 Oras Weekend; Ika-6 na Utos; Imbestigador; The One That Got Away; My Korean Jagiya;Tadhana; Eat Bulaga; at Wowowin.

Sa listahan ng top programs sa Urban Luzon, walong (8) Kapuso shows ang nakapasok sa top 10 habang muling pinakyaw ng GMA ang buong top 10 spots sa Mega Manila.

q q q

Dahil mas marami pa ang naaapektuhan sa mga maiinit na eksena ng top daytime drama na Ika-6 Na Utos, ang mga cast at crew nito idinaan na lang sa katuwaan ang pagsagot sa mga bashers.

Recently, isang video ang in-upload ng isa sa cast member nito na si Ryza Cenon sa kanyang Instagram account na nagpapakita na binubugbog niya ang kanilang second unit director na si Lore Reyes dahil galit na galit daw ang mga bashers dito.

Pero makalipas ang ilang araw, hindi nagpatinag at ginantihan din ng direktor si Ryza na siyang gumaganap sa karakter ni Georgia sa serye. In-upload itong muli ni Ryza sa kanyang social media page na umabot na sa mahigit 13,000 ang nag-like.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Nakakatuwa ang buong cast at crew ng Ika-6 Na Utos. Puro awayan at sakitan man ang mga eksena sa serye, pamilya naman ang turing nila sa isa’t isa sa tunay na buhay. Kaya hindi na nakakagulat kung bakit nananatili pa ring numero uno sa ratings game ang programa.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending