Angeline lutang na lutang ang husay sa Ang Probinsyano ni Coco | Bandera

Angeline lutang na lutang ang husay sa Ang Probinsyano ni Coco

Cristy Fermin |February 04,2018
facebook
share this

Angeline lutang na lutang ang husay sa Ang Probinsyano ni Coco

Cristy Fermin - February 04, 2018 - 12:01 AM

COCO MARTIN AT ANGELINE QUINTO

HINDI namin puwedeng pakawalan ang pagkakataong ito para bigyang-puri ang mahusay na pag-arte ng magaling na singer na si Angeline Quinto.

Dati na kaming naaaliw sa kanya bilang komedyante, sa pagkanta niya naman ay sumasaludo kami, pero may isang dahilan pa pala para hangaan namin si Angge.

Sa mga eksena niya sa Ang Probinsyano ay lutang na lutang ang kanyang husay sa drama, hindi lang basta makaarte ang magaling na female singer, artistang-artista na talaga siya.

Napakanatural niyang kumilos at magsalita, ang iyak niya ay parang pagtangis ng isang tunay na nasaktan sa totoong buhay, maraming pakakainin ng alikabok sa pagganap si Angeline Quinto.

Kahit sa I Can See Your Voice, kung maraming naiinis sa kaartehan ni Alex Gonzaga ay napakarami namang aliw na aliw kay Angeline, ibig sabihi’y mas nakararaming kababayan natin ang humahanga sa kanaturalan niya.

Sana’y mabigyan pa ng mga proyektong makabuluhan si Angeline Quinto para mas maipakita pa niya ang kanyang talento sa iba-ibang paraan.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending