Maja sa mga ex-bf: Pag tapos na ang relayon, yun na! | Bandera

Maja sa mga ex-bf: Pag tapos na ang relayon, yun na!

Reggee Bonoan |February 03,2018
facebook
share this

Maja sa mga ex-bf: Pag tapos na ang relayon, yun na!

Reggee Bonoan - February 03, 2018 - 12:10 AM


LAST two weeks na lang ang Wildflower kaya natanong ang bida nitong si Maja Salvador sa ginanap na farewell presscon ng programa kung ano pa ang ipapakita niya sa pagtatapos nito. Para kasing halos lahat na ng akting ay nagawa na niya.

“Baka sasakay daw ako sa spaceship. Ha-hahaha! Joke lang,” tumawang sabi ng aktres.

Ayaw sabihin ni Maja kung ano pa ang mga pasabog nila sa natitirang dalawang linggo ng Wildflower para raw abangan ng mga manonood.

Say naman ng business unit head ng Wildflower na si Direk Ruel Bayani, “Naku, hindi naman po sa pagdadamot pero parang hindi naman tamang makaagaw iyon sa pag-e-enjoy sa finale kung sasabihin.

“Wildflower is a kind of show na sinosorpresa ka, ginugulat ka. Kaya kapag may nagtatanong kung ano ang mangyayari, sabi ko ‘sasakay ng spaceship, kakalabanin ng alien,” natatawang tugon ni Maja.

Pero siguradong ikagugulantang ng mga manonood ang ending ng Wildflower at ang mangyayari kay Lily Cruz.

Anyway, maraming nakapansin na blooming ngayon si Maja at halatang maligaya siya sa kanyang buhay dahil nga meron na rin siyang bagong lovelife. Non-showbiz ang sinasabing boyfriend ng aktres.

Sa tanong kung nasubukan na ni Maja na makipagbalikan sa mga naging ex-boyfriend niya, diretsong sagot ng dalaga, “Once na tapos na po ako du’n sa relationship na ‘yun, tapos na po talaga.

“Kunyari, kung sa ilang taon naming pagsasama, alam kong binigay ko na po ang lahat. Kung naramdaman kong hindi niya ‘yun nabalik at hindi ako nirespeto or hindi nasabayan ‘yung pagmamahal, parang tapos na po,” aniya.

Anyway, inamin ni Maja na napi-feel na niya ngayon pa lang ang separation anxiety (sepanx) sa nalalapit na pagtatapos ng Wildflower. Isang taon din naman kasi silang nagkasama-sama sa serye kaya mami-miss niya ang mga katrabaho.

“Sabi ko nga, sa dyowa, madali akong mag-move-on, pero sa mga ganito, hindi.
“May tanong sa akin last Sunday ba ‘yun, kung paano ko raw ile-let go ‘yung pagiging Lily Cruz (karakter niya sa serye), sabi ko, ‘hindi ko masasagot kasi hindi ko alam kung paano.’

“Dahil ‘yung ginawa sa akin ng RSB unit, ‘yung binigay ni direk Ruel, sobrang laki ng itinulong talaga sa career ko at hindi lang din sa career ko, kungdi mas grabe pa ‘yung passion ko para magtrabaho, mas naging dedicated pa ako sa kung ano ‘yung ibinibigay sa aking project.

“Basta iba. Basta dahil sa RSB unit, sa Wildflower, ang daming offers, ang daming mas magagandang nangyari. Sabi ko nga, hindi man kami laging nagsasama ni direk Ruel, pero feeling ko may magic kaming dalawa,” ani Maja.

Naalala niya na ang unang project niya kay direk Ruel ay ang seryeng Minsan Lang Kita Iibigin (2010-2011) mula sa Dreamscape Entertainment at ito rin daw ang bumuo ng kanyang karakter bilang si Krista na isang babaeng rebelde.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Sa mga tagasubaybay ng Wildflower, abangan ang ipinagmamalaking “wildest ending” ng serye sa ABS-CBN bago mag-TV Patrol.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending