Ellen ibinandera ang wedding ring, kasal na ba kay Lloydie? | Bandera

Ellen ibinandera ang wedding ring, kasal na ba kay Lloydie?

|February 03,2018
facebook
share this

Ellen ibinandera ang wedding ring, kasal na ba kay Lloydie?

- February 03, 2018 - 12:01 AM


USAP-USAPAN din sa mundo ng social media ang recent video nina Ellen Adarna at John Lloyd Cruz na pinaniniwalaang kuha sa isang lugar sa Cebu habang sakay sila ng isang habal-habal.

Dito kasi nakita ng social media followers ni Ellen ang suot niyang mga singsing na sinasabing wedding band at engagement ring ng sexy actress. Agaw-eksena kasi ang malaking bato nito.

Maraming netizens ang nagsabi na mukhang totoo nga ang chika na ikinasal na sina Lloydie at Ellen sa Cebu. Naikonek din ng mga ito ang balitang nagpapatayo na ng kanilang dream house ang magdyowa base na rin sa mga ipinost na litrato nina Ellen at John Lloyd sa Instagram.

Ang isang photo ay nilagyan pa ni Lloydie ng caption na, “My view is my empire” habang ang isa naman ay may mensaheng “Mine. Yours.”

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending