Horoscope, February 03, 2018 | Bandera

Horoscope, February 03, 2018

Madam Sophia |February 03,2018
facebook
share this

Horoscope, February 03, 2018

Madam Sophia - February 03, 2018 - 12:15 AM

Para sa may kaarawan ngayon: Simulan ang araw sa panalangin at pagwi-wish. Okey ding magsuot ng kulay na red. Kapag nagawa mo yan, kusang matutupad ang iyong hiniling bago sumapit ang ika-9 araw. Mapalad ang 4, 9, 25, 37, 38, at 45. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Omne-Mithi.” Bukod sa red ang green ay buenas.

Aries – (Marso 21-April 19) — Sa taong ito ng 2018 bukod sa aangat ang level ng pagkakakitaan, may darating ding salapi na mailalaan naman sa pagiimpon. Sa pag-ibig, ang tampuhan sa ngayon ay mapapalitan ng mas maalab na romansa sa kinabukasan. Mapalad ang 1, 10, 19, 22, 37, at 46. Mahiwaga mong mantra: “Om-Ne-Pad-Me-Om.” Beige at magenta ang buenas.

Taurus – (April 20-May 20) — Hindi ba’t marami ka ng natulungan na hindi naman tumanaw ng utang na loob? Sa panahon ngayon personal mo namang kaligayahan ang ikonsidera at ang future ng mga mahal mo sa buhay. Mapalad ang 4, 6, 22, 31, 39 at 45. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Vajur-Om.” Pink at blue ang buenas.

Gemini – (May 21-June 21) — Laging tandaang kapag nawala ang mga kaibigan, may isang maiiwan – ang mahal mo sa buhay. Sa lahat ng bagay tandaang walang ibang maasahan kundi ang kasuyo at ang iyong pamilya, mahalin mo sila ng walang pagaalinlangan. Mapalad ang 7, 16, 25, 34, 43, at 48. Mahiwga mong mantra: “Hare-Krisna-Hare Rama.” Green at pink ang buenas.

Cancer – (June 22- July 22) — Ito ang araw na dapat mo ng kalimutan ang mga nakaraang kabiguan upang makapagsimula ka ng bagong-bagong pagkatao ngayon. Negosyong may kaugnayan sa pagkain ang magpapaunlad ng iyong kabuhayan. Sa pag-ibig, kalimutan ang mga relasyong nagdulot ng pagluha, maghanap ng bagong mamahalin. Mapalada ng 4, 15, 26, 34, 40 at 49. Mahiwaga mong mantra: “Nameh-Aum-Nameh-Om.” Beige at green ang buenas.

Leo – (July 23 – August 22) — Sa taong ito ng 2018 sa pag-ibig at pinansyal, wag mong kontrahin ang paniniwala ng iyong kasuyo magkaka-galit lang kayo. Sumunod ka sa kanya upang umunlad at tuloy-tuloy ng lumigaya ang inyong pamilya. Mapalad ang 6, 18, 26, 34, 40 at 45. Mahiwaga mong mantra: “Babanam-Kebalam”. Yellow at red ang buenas.

Virgo – (August 23 – September 22) — Kung talagang mahal mo ang kasuyo magsa-sakripisyo ka alang-alang sa kanya. Paglaanan ng maraming oras ang mga bagay na mapagkakaperahan. Mapalad ang 3, 18, 27, 36, 45 at 49. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Vasudeva-Om-Vedanta.” Green at beige ang buenas.

Libra – (September 23-October 23) — Hindi mo ba naiisip na hindi laging masagana ang buhay! Simulan mo ng mag-savings, habang maalwan ang pasok ng salapi. Sa pag-ibig, habang pinagseselos ang kasuyo, lalo ka naman niyang mamahalin. Mapalad ang 3, 12, 21, 30, 37, at 49. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Visnu-Om-Purana.” Magenta at blue ang buenas.

Scorpio – (October 24 – November 21) — Tama ang ginagawa mong pagsisipag. Hindi mo ba napapansin habang nagsisipag ka, parami naman ng parami ang pera mo? Sa pag-ibig, utusan din ang kasuyo na magpakasipag upang tuloy-tuloy na kayong yumaman. Mapalad ang 6, 15, 23, 33, 40 at 48. Mahiwaga mong mantra: “Dhar-Masya-Sava-Om.” Silver at purple ang buenas.

Sagittarius – (November 22 – December 21) — Sa taong ito ng 2018 anuman ang iyong gustuhin tiyak na mapapasa iyo. Kaya mas mainam kung malalaki at matataas na bagay ang hahangrin mo, upang matataas at malalaki ring suwerte ang mapasa iyo. Mapalad ang 1, 5, 18, 23, 41 at 47. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Siva-Krisna-Om.”

Capricorn – (December 22 – January 19) — Susuwertehin ka sa pananalapi. Ngayon pa lang ilista na kung saan mo dadalin ang maraming pera na nakatakda nang dumating. Sa pag-ibig wag kakalimutang balatuhan ang kaibigang Taurus. Mapalad ang 6, 15, 24, 39, 42 at 49. Mahiwaga mong mantra: “Krisna-Rama-Krisna.” Red at Green ang buenas.

Aquarius – (January 20 – February 18) — Wag maging negatibo, dahil sa bandang huli magigingh negatibo rin ang kapalaran. Isipin mo ang mga bagay na nagpapaligaya sa iyo at isipin mo ring sa kabila ng mga problema, may darating na mas malaking sywerteng sa kasalukuyan ay bumubuelo lang para sapulin ka. Mapalad ang 1, 10, 26, 35, 42 at 49. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Dosya-Om” Green at orange ang buenas.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Pisces – (February 19 – March 20) — Ituloy ang binabalak na lakad. Lakad lang ng lakad hanggang makatalisod ng suwerte. Sa pag-ibig at pinansyal, ang pagiging mapilit at makulit ang susi ng tagumpay at kaligayahan. Mapalad ang 9, 18, 30, 33, 39, at 48. Mahiwaga mong mantra: “Agla-Aum-Aum”. White at silver ang buenas.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending