Elmo nagsilbing nurse ni Janella matapos ma-confine sa ospital | Bandera

Elmo nagsilbing nurse ni Janella matapos ma-confine sa ospital

|February 03,2018
facebook
share this

Elmo nagsilbing nurse ni Janella matapos ma-confine sa ospital

- February 03, 2018 - 12:05 AM

JANELLA SALVADOR AT ELMO MAGALONA

BIBIDA sa unang pagkakataon ang tambalan nina Janella Salvador at Elmo Magalona sa Maalaala Mo Kaya ngayong gabi.

Gaganap bilang childhood sweethearts na susubuking totohanin ang kanilang pag-iibigan sa muling pagtatagpo ng kanilang mga landas.

Simula pa noong bata, palagi nang sinusuyo ni Daisy (Janella) ang kababata nitong si Darling (Elmo). Hindi siya nahihiya ipagsigawan ang kanyang pagsinta sa lalaki kahit alam niyang hindi siya nito gusto.

Sa paglipas ng panahon ay magkakahiwalay sila, at ibabaling ng dalaga ang kanyang oras sa kanyang pamilya, habang si Darling naman ay magpapakasaya sa buhay niya sa Manila.

Makalipas ang ilang taon, muli silang magtatagpo. Makikita ni Darling ang pag-aalaga ni Daisy sa mga nakakabata nitong kapatid – isang bagay na hindi niya kailanman nakita sa mga babae sa lungsod.

Susubukan niyang mapalapit dito pero mapapansin niyanghindi na ito tulad noong bata pa sila na nahuhumaling sa kanya. Paano naman kaya susuyuin ni Darling si Daisy? Magkaroon kaya sila ng happy ending?

Makakasama rin sa MMK episode na ito sina Yayo Aguila, Karen Timbol, Hiyasmin Neri, Krystal Mejes at Marc Santiago. Ito’y sa direksyon ni Raz dela Torre at sa panulat ni Mae Rose Balanay.

Ang MMK ay pinamumunuan ng Business Unit Head na si Roda dela Cerna at Star Creatives COO na si Malou Santos. Abangan ang longest-running drama anthology sa Asya, ang MMK tuwing Sabado ng gabi sa ABS-CBN.

Samantala, nagpaliwanag naman si Janella kung bakit hindi naipalabas ang MMK nila ni Elmo last week.

Ito’y dahil nga raw sa pagkakasakit niya na nagresulta sa pagka-confine niya sa ospital. Nagkaroon siya ng acute respiratory tract infection.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Nagpasalamat din siya kay Elmo na nagsilbing “nurse” niya noong nagpapagaling pa siya, “First time talaga na guy ang nag-alaga sa akin na may sakit ako, and I can say na I’m really thankful that he’s around.”

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending