Marian, KC naloka sa ‘blue blood moon’ ni Luis | Bandera

Marian, KC naloka sa ‘blue blood moon’ ni Luis

Jun Nardo |February 02,2018
facebook
share this

Marian, KC naloka sa ‘blue blood moon’ ni Luis

Jun Nardo - February 02, 2018 - 12:50 AM

MARIAN RIVERA, KC CONCEPCION AT LUIS MANZANO

SUMAWSAW rin ang ilang local showbiz celebrities sa paghihintay sa sa paglabas ng phenomenon na super blue blood moon nu’ng Miyerkoles nang gabi.

Isa na rito si Angel Locsin, pero take note na sa foto na inilabas niya sa Instagram, braso ng isang lalaking may tattoo ang naka-post habang sumisilip sa buwan. Walang inilagay na pangalan ng lalaki na skin head ang style ng buhok.

Siyempre, sino pa ba ‘yun kundi si Neil Arce, ang kanyang boyfriend.

Visible naman kahit paano sa showbiz events si Neil kaya kahit paano, alam naming trademark niya ‘yung pagkakaroon ng skin head at braso na puno ng tattoo, huh!

Kung seryoso ang ilan sa pagpo-post ng blue blood moon, umiral muli ang kalokohan ni Luis Manzano sa kanyang IG posts.

May post siyang korteng buwan pero kapag sinuri nang mabuti, isa pala itong shot ng patatas, huh! Ibinuking ito ni Julie Anne San Jose habang tawang-tawa naman si Meg Imperial sa post ni Lucky.

‘Yung isang post naman niya ay timba ang nakalagay, huh! May pakiyeme pa siyang caption na, “Ang ganda ng blood moon!!! Nakakaiyak!!!”

Aliw na aliw din sina Marian Rivera at KC Concepcion sa mga kalokohang ito ni Luis!

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending