Robin kumukulo pa rin ang dugo kay Aljur, Kylie kailangan nang umaksyon bago magsisi | Bandera

Robin kumukulo pa rin ang dugo kay Aljur, Kylie kailangan nang umaksyon bago magsisi

Cristy Fermin |February 02,2018
facebook
share this

Robin kumukulo pa rin ang dugo kay Aljur, Kylie kailangan nang umaksyon bago magsisi

Cristy Fermin - February 02, 2018 - 12:40 AM

ALJUR ABRENICA AT ROBIN PADILLA

GAANO kaya katindi ang kasalanang nagawa ni Aljur Abrenica sa ama ni Kylie Padilla para kumulo ang dugo ng action star kapag nababanggit ang pangalan ng aktor?

Nu’ng una ay kuwento-kuwento lang ang lahat, pero ngayon ay may resibo na, nagpakita ng hindi kagandahang reaksiyon si Robin Padilla nang may magtanong sa kanya tungkol kay Aljur.

Lantaran ang negatibong reaksiyon ni Robin, hindi niya naitago, pero naghuhulaan naman ang mga nakakita sa kanya kung gaano katindi ang nagawang kasalanan sa kanya ng ama ng anak ni Kylie kaya siya nagkakaganyan.

Kilalang-kilala ng maraming taga-showbiz ang ugali ng action star. Hindi siya plastik at mapagpanggap.

Kung ano ang kanyang nararamdaman ay sinasabi niya at nagpapakita siya ng tunay na reaksiyon kapag galit siya sa isang tao.

Kailangan nang mamagitan ni Kylie sa problema ng kanyang ama at ng kanyang karelasyon bago pa lumala nang husto ang problema.

Mapagmahal at maunawaing ama si Robin, siguradong maiintindihan niya ang paliwanag ni Kylie, kayang tablahin ni Robin Padilla ang kahit sino puwera lang sa kanyang mga anak.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending