Horoscope, February 01, 2018 | Bandera

Horoscope, February 01, 2018

Madam Sophia |February 01,2018
facebook
share this

Horoscope, February 01, 2018

Madam Sophia - February 01, 2018 - 12:15 AM

Para sa may kaarawan ngayon: Unang araw ngayon ng Pebrero. Magiging maganda ang buong buwan kung magsusuot ng kulay na dilaw. Sa alahas na gold o kaya’y white gold, madadagan naman ang salapi habang sa pag-ibig lalong liligaya ang pagmamahalan. Mapalad ang 4, 19, 28, 32, 41 at 49. Mahiwaga mong mantra: “Abra-Ka-Dab-Bra.”

Aries – (Marso 21-April 19) — Sa taong ito ng 2018 maraming kasiyahan ang iyong madadaluhan na may hatid ng mas maraming salapi at bagong pag-ibig. Sa pakikipag-relasyon siguraduhin lamang na isang Libra o kaya’y Sagittarius ang iyong pipiliin upang matiyak ang isang maligayang pag-ibig. Mapalad ang 6, 13, 27, 35, 42 at 48. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Mandala-Om.” Pink at magenta ang buenas.

Taurus – (April 20-May 20) — Huwag kainggitan ang mga kapit-bahay na umuunlad. Mas masarap at mas payapa ang isip ng may simple pero masayang pamilya. Iwasan na kasing magbukas ng FB upang hindi ka makakita ng kung ano-anong pagpapayabangan. Mapalad ang 7, 19, 25, 34, 43, at 47. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Agne-Manu-Om.” Silver at pink ang buenas.

Gemini – (May 21-June 21) — Sa taong ito ng 2018 ugaliing mag-ipon kahit na may mga pagkakautang pa ring hindi nababayaran. At kahit magbayad ka hindi din mababawasan ang mga utang, ang mas mahalaga nadadagdagan ang iyong savings. Mapalad ang 8, 17, 26, 33, 40 at 44. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Akyata-Purana-Om.” Green at brown ang buenas.

Cancer – (June 22- July 22) — Kapag nakakita ka ng pagkakataong mapagkakaperahan, sunggaban mo agad, minsan lang darating yan. Sa pag-ibig, ikaw na ang magsimula upang uminit muli ang nanlalamig na kasuyo. Mapalad ang 7, 16, 25, 32, 41, at 45. Mahiwaga mong mantra: “Jai-Guru-Deva-Om”. Green at beige ang buenas.

Leo – (July 23 – August 22) — Sa taong ito ng 2018 ibigay ang the best sa anomang ginagawa upang mas mabilis na umunlad ang kabuhayan. Sa pag-ibig, pasalamatan ang kasuyo dahil sa kabila ng mayabang ka at maangas mahal ka pa rin niya. Mapalad ang 1, 9, 19, 27, 35, at 48 ang buenas. Mahiwaga mong manrta: “Yod-He Vau-Weh.” Yellow at blue ang buenas.

Virgo – (August 23 – September 22) — Ngyong taong ito ng 2018 umpisahan na ang kalakal na may kaugnayan sa modernong kumuniskayon upang kumita ng malaking halaga. Sa darating na araw ng mga puso, bitbitin ang kasuyo sa isang romantic na lugar. Mapalad ang 7, 18, 24, 33, 38 at 49. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Anilam-Om-Artam” Blue at red ang buenas.

Libra – (September 23-October 23) — Sa taong ito ng 2018 habang gumanda ang pasok ng pera, laging alalahanin ang pagtitipid at pag-iipon. Sa pag-ibig, isang katabing naka-kulay asul ang may lihim sa iyong pagnanasa. Sa araw ng mga puso isang romantikong relasyon ang mahihinog. Mapalad ang 7, 16, 22, 34, 43, at 49. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Agla-Agla-Om.” Green at blue ang buenas.

Scorpio – (October 24 – November 21) — Sa pagiging maangas at ma-epal lalong lalago ang kinikita. Sa pag-ibig wala talagang magagawa ang kasuyo mo kundi ang sumunod ng sumunod sa iyong kagustuhan na nakagaganda naman sa pag-unlad ng inyong kabuhayan. Mapalad ang 2, 17, 26, 33, 39 at 45. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Ayena-Patrenan-Om.” Gold at orange ang buenas.

Sagittarius – (November 22 – December 21) — Konsentrasyon sa iisang larangan lang ang dapat lalo na sa negosyo, isang kalakal lang ang kailangan upang yumaman. Sa pag-iibig, ipagpatuloy ang pagiging tapat sa kasuyong Aries. Mapalad ang 7, 18, 23, 28, 32, at 44. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Pulkasa-Om-Kirata.” Green at orange ang buenas.

Capricorn – (December 22 – January 19) — Unawain lagi ang mga kausap, sila din ang magbibigay sa iyo ng malaking halaga ng salapi. Sa pag-ibig, kapag hindi inunawa ang kasuyo, magtatalo na naman kayo at muling magkakagalit. Mapalad ang 1, 10, 28, 34, 36, at 43. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Mohan-Grehan-Om.” Red at pink ang buenas.

Aquarius – (January 20 – February 18) — Ituloy ang binabalak na pre-Valentine date, upang pagdating ng Araw ng mga Puso hindi na kayo maasiwa sa isat-isa. Magpasalamat lagi sa Maykapal, dahil sa kabila ng mabibigat na pagsubok na dumarating nandyan, pa rin kayong dalawa! Mapalad ang 1, 9, 19, 27, 35, at 48 ang buenas. Mahiwaga mong manrta: “Yod-He Vau-Weh.” Yellow at blue ang buenas.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Pisces – (February 19 – March 20) — Hindi masamang magpakabait, pero ang masama ay ang magpauto! May babala na isa na namang nagbabait-baitang kakilala ang mangungutang at pagkatapos ay hindi na magbabayad. Sa pag-ibig, tuloy ang pagkontra ng kasuyo sa iyong mga plano. Mapalad ang 6, 15, 21, 36, 42 at 48. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Shati-Pad-Me-Om.” Blue at silver ang buenas.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending