Bela ayaw makialam sa lovelife ni Carlo | Bandera

Bela ayaw makialam sa lovelife ni Carlo

Julie Bonifacio |February 01,2018
facebook
share this

Bela ayaw makialam sa lovelife ni Carlo

Julie Bonifacio - February 01, 2018 - 12:25 AM

CARLO AQUINO AT BELA PADILLA

KAHIT sobrang busy si Direk Joyce Bernal sa Marawi project, all-out pa rin ang support niya sa mga bida ng latest movie ng film outfit nila ni Piolo Pascual na Spring Films, ang “Meet Me In St. Gallen” na sina Carlo Aquino at Bela Padilla.

Umupo rin siya sa stage para sa presscon ng movie kasama ang cast at direktor nilang si Irene Villamor.

Ang “Meet Me In St. Gallen” ang pre-Valentine movie offering mula sa producers of the highest-grossing local indie movie of all time na “Kita Kita.”

Kung ang “Kita Kita” ay kinunan sa Japan, may mga eksena naman na kinunan sina Direk Irene for “Meet Me In St. Gallen” sa Switzerland.

Kinunan daw nila doon ang Christmas village at five days din silang nag-stay doon.

That time naman, nursing a broken heart pa si Carlo sa break-up nila ng girlfriend niya for almost seven years na si Kristine Nieto. Kaya tinanong namin si Bela kung lungkut-lungkutan ang aktor habang magkasama sila sa Switzerland. Or, inaliw-aliw man lang ba niya ang leading man niya sa movie to ease that pain he was going through.

Say ni Bela, napaka-private raw na tao ni Carlo. Lagi lang daw itong tahimik kaya hinahayaan na lang niya sa kanyang “alone moment” si Carlo. Waiting lang naman daw siya kung mago-open-up sa kanya si Carlo.

Pero walang ganu’ng pangyayari. Basta ang napansin lang niya kay Carlo, lagi raw nakatingin sa mga nakikita niyang building and other structures sa Switzerland ang aktor. Piktyur lang nang piktyur sa mga building doon si Carlo kapag break sila sa shooting.

Anyway, excited kami na mapanood ang kabuuan ng movie nila ni Carlo next month. We’ll see kung kakabugin ng “Meet Me In St. Gallen” ang kwento ng love story nina Lea at Tonyo sa “Kita Kita.”

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending