Horoscope, January 31, 2018 | Bandera

Horoscope, January 31, 2018

Madam Sophia |January 31,2018
facebook
share this

Horoscope, January 31, 2018

Madam Sophia - January 31, 2018 - 01:55 PM

Para sa may kaarawan ngayon: Maraming sopresa at magagandang pangyayaring darating sa taong ito ng 2018. Sa pinansiyal, bigla ang dating ng malaking halaga ng salapi. Sa pag-ibig, ang kalungkutan ay mapapalitan ng sobrang saya sa pagdating ng kasuyong matagal nang hinihintay. Mapalad ang 4, 9, 27, 31, 39 at 41. Mahiwaga mong mantra: “Kalil-Homa-Japa-Om.” Yellow at blue ang buenas.

Aries – (Marso 21-April 19) — Mahirap mawalan ng pera kaya sa sandaling gumanda ang income ay matutong mag-save. Sa pag-ibig, susuwertehin ka sa pakikipagrelasyon sa isang nilalang na galing sa ibayong dagat. Mapalad ang 3, 12, 27, 32, 39 at 49. Mahiwaga mong mantra: “Santosha-Yamas-Pranidhana-Om.” Lilac at pink ang buenas.

Taurus – (April 20-May 20) — Parating na ang suwerte kaya mas okay kung iiwasang sumimangot! Kung laging nakangiti, ngingiti rin ang magandang kapalaran. Sa pag-ibig, may isang naka-red ang palihim na humahanga sa iyo. Mapalad ang 2, 7, 19, 28, 34, at 49. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Shiva-Om-Durga” Red at black ang buenas.

Gemini – (May 21-June 21) — Kahit malamig ang panahon ay magpakasipag, gawing mabilis ang mga bagay na iniisip mo upang ikaw ay umunlad. Sa pag-ibig, isa-isantabi muna ang puso, salapi ang higit na mas mahalaga! Mapalad ang 5, 14, 19, 27, 41 at 45. Mahiwaga mong mantra: “Visnu-Veda-Vedya-Om.” Blue at green ang buenas.

Cancer – (June 22- July 22) — Kung sadyang nagigipit sa salapi, hindi masamang humingi ng tulong sa isang kaibigang Scorpio. Sa pag-ibig, sabihin sa kasuyo ang iyong mga dinadalang problema, malaki ang maitutulong nya sa iyo. Mapalad ang 2, 7, 15, 22, 34 at 43. Mahiwaga mong mantra: “Trik-Padha-Vik-Bhuti-Om.” Maroon at green ang buenas.

Leo – (July 23 – August 22) — Panatilihin ang pagsusuot ng kaakit-akit na damit. Sa pag-ibig, higit na nakakikilig ang susunod na pagniniig. Sa pinansiyal, biglang magbabayad ng hindi inasahan ang isang dating may utang. Mapalad ang 4, 12, 27, 36, 42 at 47. Mahigawa mong mantra: “Thaanam-Bhavalam.” Yellow at gold ang buenas.

Virgo – (August 23 – September 22) — Sa araw na ito ay may sopresang matatanggap, na sobrang ikagagalak. Sa pag-ibig, mamayang gabi, habang nilalamig ay may masarap na romansang mararanasan. Kinabukasan, malaking halaga ng salapi ang iyong mahahawakan. Mapalad ang 5, 14, 23, 33, 42 at 49. Mahiwagang mantra: “Graha-Dosya-Jawala-Om.” Silver at pink ang buenas.

Libra – (September 23-October 23) — Sa taong ito, mag-alaga ng kahit na anong uri ng hayop upang suwertehin; puwede ring mga halaman ang iyong alagaan. Sa pag-ibig, regaluhan ang kasuyo ng isang halamang bilugan ang dahon upang kapwa kayo suwertehin. Mapalad ang 6, 15, 23, 26, 43 at 49. Mahiwaga mong mantra: “Naikarma-Nirguna-Om.” Blue at red ang buenas.

Scorpio – (October 24 – November 21) — Sa taong ito ay baguhin ang style ng buhok. Sa mahabang buhok susuwertehin ka na sa pag-ibig at sa pinansyal. Kung carry mo, mag-lagay na rin ng kapirasong tattoo sa dibdib na maliit na agila o kaya’y kahit anong uri ng ibon na lumilipad. Mapalad ang 3, 18, 21, 27, 34, at 48. Mahiwaga mong mantra: “Arham-Nama-Jnana-Om.” Magenta at pink ang buenas.

Sagittarius – (November 22 – December 21) — Tama ang naisip mong maglakbay. Sa ibayong dagat ay may magandang kapalarang naghihintay. Higit kang uunlad sa pangingibang-bansa. Sa pag-ibig, kung ikaw ay isang babae siguradong may sasakyan ang iyong mapapangasawa. Mapalad ang 1, 4, 13, 22, 28, at 49. Mahiwaga mong mantra: “Satura-Sahatma-Om.” Lilac at purple ang buenas.

Capricorn – (December 22 – January 19) — Lumayo sa sinilangang bayan upang yumaman. Sa pag-ibig, habang naghahanap-buhay sa malayong lugar ay mami-meet mo na ang iyong true love. Mapalad ang 1, 19, 24, 39, 42 at 47. Mahiwagang mong mantra: “Om-Jai-Om-Shari-Om.” Beige at maroon ang buenas.

Aquarius – (January 20 – February 18) — Sa pag-ibig, mas mabuting makuntento na sa kasalukuyang minamahal wag nang isipin pa ang nakaraan. Sa pinansyal, sumosyo sa kaibigang Gemini o kaya’y Libra. Mapalad ang 4, 17, 18, 25, 33, at 41. Mahiwaga mong mantra: “Agla-Aum-Aum.” Violet at blue ang buenas.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Pisces – (February 19 – March 20) — Upang yumaman ay magpataba ka! Ang mga taong may bilugang pagmumukha at matataba ang kadalasang yumayaman. Sa pag-ibig, patuloy ang manakanakang hindi pagkakaunawaan, wag mo na lang pansinin ang negatibo at palakontrang kasuyo. Mapalad ang 2, 7, 19, 27, 33 at 45. Mahiwaga mong mantra: “Krisna-Krisna-Rama-Rama.” Green at yellow ang buenas

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending