Karylle bumeso kay Marian, nag-hi kay Dingdong | Bandera

Karylle bumeso kay Marian, nag-hi kay Dingdong

Ervin Santiago |January 31,2018
facebook
share this

Karylle bumeso kay Marian, nag-hi kay Dingdong

Ervin Santiago - January 31, 2018 - 12:20 AM


IBINUKING ni Vice Ganda ang aksidenteng pagkikita nina Karylle at Marian Rivera sa isang event kamakailan. Si Karylle ay ex-girlfriend ni Dingdong Dantes na asawa ngayon ni Yan Yan.

Sa nakaraang episode ng It’s Showtime ibinalita ng TV host-comedian ang pagkukrus ng landas nina Karylle at Marian. Nagsimula ito nang ikuwento ng isang Tawag Ng Tanghalan contestant na nalaman niyang ikinasal na pala ang kanyang ex-girlfriend.

Dito, tinanong ni Jhong Hilario si Vice kung ano ang mapi-feel niya kung nadiskubre niyang ikinasal na ang kanyang ex-dyowa? Hindi ito nasagot ng komedyante, sa halip itinuon niya ang atensyon ng madlang pipol sa huradong si Karylle.

“Tanungin natin si Karylle kasi nagkita sila ni Dingdong noong isang araw, eh! Nakasalubong niya sa isang show. Sabi niya, nakasalubong niya si Marian,” pambubuking ni Vice.

Mismong ang singer-actress-TV host daw ang nagsabi sa kanya ng pagikikita nila ni Marian, “Sabi ni K sa akin, gandang-ganda raw siya kay Marian. Bineso niya raw. Pag-beso niya, ‘Uy, ang ganda naman!’

“Tapos pagtalikod niya, na-realize niya na ang payapa na pala talaga ng puso nila, kasi nag-beso sila, tapos gandang-ganda raw siya kay Marian,” dagdag pa ng Unkabogable Star.

Nag-hi lang daw si Karylle kay Dingdong nang magkita sila sa nasabing event.

Kung matatandaan, naghiwalay sina Karylle at Dingdong noong 2008, katatapos lang noon ng unang teleserye nila ni Marian na Marimar. Ngunit dinenay naman ni Dingdong na si Marian ang dahilan ng break-up nila ni Karylle.

Pareho na rin silang masaya ngayon sa kani-kanilang married life. Ikinasal si Karylle sa rock singer na si Yael Yuzon noong March, 2014 habang noong December, 2014 naman nagpakasal ang GMA Primetime King and Queen.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending