Pagli-live in ng JaDine buking na; may ebidensya | Bandera

Pagli-live in ng JaDine buking na; may ebidensya

Cristy Fermin |January 31,2018
facebook
share this

Pagli-live in ng JaDine buking na; may ebidensya

Cristy Fermin - January 31, 2018 - 12:01 AM

NADINE LUSTRE AT JAMES REID

INGAT na ingat na ngayon si Nadine Lustre sa pagsagot ng mga tanong na may kaugnayan sa pagli-live-in nila ni James Reid.

Kung dati’y mabilis pa sa alas kuwatro kung sumagot ang young actress, ngayon ay kontrolado na niya ang kanyang bibig, idinadaan na lang niya sa tawa ang kanyang sagot.

Natuto na sa nakaraan si Nadine, kahit panahon na ng milenyal ngayon ay hindi pa rin tanggap ng ating kultura ang live-in, pero nahuhuli talaga sa bibig ang isda.

Sa nakaraan nilang guesting sa programa ni Vice Ganda ay bigay na bigay naman ang ideyang magkasama na sila sa isang bahay lang, tawa lang sila nang tawa sa pagtuturuan kung sino sa kanila ang sasagot, pero sa mga sinasabi ni Nadine ay nandu’n ang insinwasyon na nagli-live-in na sila.

Diretsong sinabi ni Nadine na cute daw ang puwet ni James, kaya ang biglaang komento ni Vice Ganda ay ano ‘yun, magka-live-in na talaga sila kaya nakikita na niya ang puwet ng kanyang boyfriend.

Kahit anong pag-iwas pa ang gawin ng mga artista ay siguradong mabubuking pa rin sila sa bandang dulo, hindi naitatago ang katotohanan kapag sunud-sunod na tanong na ang ibinabato sa kanila, wala silang mapagtataguan.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending