Bela sa basher: Magpinsan kami ni Daniel! | Bandera

Bela sa basher: Magpinsan kami ni Daniel!

Ervin Santiago |January 31,2018
facebook
share this

Bela sa basher: Magpinsan kami ni Daniel!

Ervin Santiago - January 31, 2018 - 12:10 AM


SUPALPAL kay Bela Padilla ang isang basher na hindi naniniwalang kamag-anak ng aktres si Daniel Padilla.

“We are blood related,” ‘yan ang ipinagdiinan ni Bela nang sagutin niya ang isang netizen tungkol sa kanila ni Daniel.

Naging isyu sa social media ang pagiging magkamag-anak nila ni DJ nang mag-post si Bela ng litrato nila ng aktor na kuha sa backstage ng ASAP last Sunday. Nilagyan niya ito ng caption na: “ASAPEneROAR with el couzzo.”

Komento ng isang netizen hindi naman daw totoong pinsan o “couzzo” niya si Daniel na sinagot nga ng dalaga ng, “Actually second cousins po kami…kadugo.”

Hindi na umapela ang netizen sa kanyang pagkakamali, ngunit pinaalalahanan pa rin siya ni Bela na maging maingat na sana ito sa mga susunod niyang ipo-post, “Baka next time seryosong bagay na yung masabing mali tapos makasakit.”

Sa pagkakaalam namin, totoo talagang magpinsan ang dalawa. Ang lola ni Bela ay kapatid ng lola ni Daniel na si Eva Cariño. Anak ni Eva ang tatay ni Daniel na si Rommel Padilla.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending