Janella pinagbawalan munang magtrabaho ng doktor | Bandera

Janella pinagbawalan munang magtrabaho ng doktor

Jun Nardo |January 30,2018
facebook
share this

Janella pinagbawalan munang magtrabaho ng doktor

Jun Nardo - January 30, 2018 - 12:20 AM

HINDI nakarating si Janella Salvador sa Farmer’s Plaza nu’ng Linggo para sa mall show ng upcoming movie niyang “My Fairy Tail Love Story.” Kailangan niyang sundin ang payo ng doctor na magpahinga muna or else baka lalong lumala ang sitwasyon ng lalamunan niya.

Naging maunawain naman ang kanyang fans na sumugod pa rin sa mall show kahit wala siya. Tutal naman, present ang dalawa niyang boys sa movie na sina Elmo Magalona at Kiko Estrada para pasayahin ang mga tao.

Guwaping na guwaping ang dating nina Elmo at Kiko kaya naman super tili sa kanila ang crowd lalo na ang mga babae, huh! Halos mapatiran na nga ng ugat sa lalamunan ang iba na walang tigil sa kasisigaw habang nasa stage ang dalawa!

Pinarinig din sa audience ni Elmo ang theme song ng movie na “Be May Fairy Tail.” Magkakaroon ito ng digital release sa Feb. 2.

Kapag may go signal na ang doctor na puwede nang sumabak sa trabaho, babawi si Janellla sa kanyang fans lalo na ngayong umabot na sa mahigit 40 ang naka-schedule na block screenings para sa kanilang movie.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending