Horoscope, January 30, 2018 | Bandera

Horoscope, January 30, 2018

Madam Sophia |January 30,2018
facebook
share this

Horoscope, January 30, 2018

Madam Sophia - January 30, 2018 - 12:15 AM

Para sa may kaarawan ngayon: Wag gawing kumplikado ang buhay. Sa pag-ibig, mag hanap ng simpleng taong mamahalin upang lumigaya habang buhay. Sa pinansyal, sundin ang advice ng isang kaibigang Libra. Mapalad ang 3, 18, 21, 30, 38, at 43. Mahiwaga mong mantra: “Hare-Krisna-Krisna-Krisna.” Red at silver ang buenas.

Aries – (Marso 21-April 19) — Disiplinahin ang sarili. Kung marami kang kahinaan, paano ka uunlad? Sa pag-ibig, hindi puro sex ang bumubuhay sa relasyon, kailangan din ng tiwala at respeto. Mapalad ang 1, 13, 23, 26, 35, at 49. Mahiwaga mong mantra: “Yod- He-Vau-Weh.” Orange at white ang buenas.

Taurus – (April 20-May 20) — Habang nalalapit ang araw ng mga puso ituloy ang pagiging romantiko upang lalo pang sumarap ang nalalapit na pagde-date. Sa pinansyal, sa isang negosyo may kaugnayan sa Valentine’s day malaking halaga ng salapi ang kikitain. Mapalad ang 1, 17, 28, 33, 44 at 47. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Nakiel-Om-Hagiel.” Purple at lilac ang buenas.

Gemini – (May 21-June 21) — Sa negosyo, ipatupad agad kung ano man ang pumasok sa isipan upang kumita ng malaking halaga. Sa pag-ibig, wag pag-alinlanganan ang pag-ibig ng kasuyong Aquarius. Mapalad ang 3, 18, 27, 36, 42 at 49. Mahiwaga mong mantra: Mahiwaga mong mantra: “Babanam-Ke-Balam.” Blue at red ang buenas.

Cancer – (June 22- July 22) — Itigil muna ang sobrang bait. Minsan ang sobrang kabaitan ay isa na ring katangahan. Mas malaking halaga ang kikitain kung iitsapuwera na ang mga taong sumasamantala sa iyo. Mapalad ang 7, 16, 25, 34, 43, at 45. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Dosya-Om.” Green at yellow ang buenas.

Leo – (July 23 – August 22) — Ingatan ang natitirang salapi! Ngayon pa lang paglaanan na ang nalalapit na araw ng mga puso. Sa pag-ibig at negosyo habang lumalapit ang buwan ng Pebrero maraming suwerte at magagandang kapalaran ang darating. Mapalad ang 6, 10, 29, 34, 40 at 47. Mahiwaga mong mantra: “Om-Minna-Om-Galla-Om.” Apple green at black ang buenas.

Virgo – (August 23 – September 22) — Sa pinansyal, tapusin agad ang mga gawaing nakabinbin, upang kapag may natapos ka, ibang oportunindad naman ng pagkakaperhan ang darating. Sa pag-ibig, laging purihin ang magagandang katangian ng kasuyo upang ma-appreciate niya ang kanyang halaga. Mapalad ang 5, 8, 14, 19, 32, at 44. Mahiwaga mong mantra: “Quando-Et-Cui-Om-Aum.” Gold at beige ang buenas.

Libra – (September 23-October 23) — Sa pagkain, iwasan ang pagiging matakaw upang hindi ka masyadong tumaba. Sa pag-ibig at salapi, kasaganaan at maligayang relasyon ang hatid ng buwan ng Pebero hanggang Marso. Mapalad ang 9, 12, 15, 24, 33, at 48. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Durate-Rebus.” Lilac at pink ang buenas.

Scorpio – (October 24 – November 21) — Mahirap talagang kitain ang pera, kaya sa darating na araw ng mga puso, simpleng selebrasyon na lang ang dapat kasama ang mga mahal sa buhay. Mapalad ang 1, 7, 18, 25, 28, 43. Mahiwaga mong mantra: Mahiwaga mong mantra: “Hare-Krisna-Krisna-Krisna.” Green at orange ang buenas.

Sagittarius – (November 22 – December 21) — Hindi magiging maligaya sa pag-ibig, kung hindi paiiralin ang praktikalidad. Hindi sa pamamagitan ng emosyon ka liligaya, kundi sa pamamagitan ng maraming pera. Umpisahan ng magpayaman. Mapalad ang 7, 16, 28, 37, 43 at 41. Mahiwaga mong mantra: “Kesar-Khangaya-Kapor.” Yellow at black ang buenas na kulay.

Capricorn – (December 22 – January 19) — Hindi darating ang suwerte kung puro ka pangarap. Kailangan kumilos upang umunlad ang kabuhayan. Sa pag-ibig, ipagpatuloy ang matiyagang pakikipag-bolahan sa kasuyong Cancer. Mapalad ang 1, 14, 23, 32, 39 at 42. Mahiwaga mong mantra: “Sator-Arepo-Tenet-Opera.” Silver t orange ang buenas.

Aquarius – (January 20 – February 18) — Wag maniwala sa sinasabi ng iba, makinig ka sa sarili mong intuition. Sa ganyang paraan, sa pag-ibig maiiwasan ang kabiguan, habang sa pinansyal tuloy ang dating ng maraming pera. Mapalad ang 5, 18, 23, 34, 41 at 49. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Viam-Inveniam-Om”. Blue at silver ang buenas.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Pisces – (February 19 – March 20) — Sa pag-ibig may suwerteng hatid ang isang Virgo wag mo na siyang pakawalan pa. Sa pinansyal, basta naniwala ka lamang sa sarili mong kakayahan, kusang darating ang suwerte at magandang kaplarang magpapaunlad ng inyong kabuhyan. Mapalad ang 6, 18, 24, 40, 46 at 48. Mahiga mong mantra: “Klan-Kun-Shadi-Om.” Violet at red ang buenas.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending