Pa-sweet noon, maglaway kayo ngayon | Bandera

Pa-sweet noon, maglaway kayo ngayon

|January 28,2018
facebook
share this

Pa-sweet noon, maglaway kayo ngayon

- January 28, 2018 - 12:01 AM

PA-WHOLESOME noon, palaban na ngayon – sa pagpapaseksi. Nagsimula sila bilang mga pa-sweet na youngstar, ang iba’y nasubaybayan pa natin mula noong sila’y mga bata pa at may gatas pa sa labi.

Pero nagbabago nga ang panahon at nagma-mature ang bawat tao. Ang dating pa-cute at di-makabasag-pinggan ay pinagpapantasyahan na rin ng mga kalalakihan. Hindi pa man sila tumotodo pa sa pagpapaka-daring sa kanilang mga proyekto, pero nararamdaman na ang kanilang #hotnessoverload.

Narito ang ilan sa mga petmalu lodi nating youngstar na nanggulat sa pagpapasilip ng kanilang kaseksihan.

NADINE LUSTRE

Nagsimula ang girlfriend at ka-loveteam ni James Reid bilang cosplayer. Wholesome at pa-sweet ang dating image ni Nadine pero nang magsimulang sumikat kasama si James matapos maging blockbuster hit ang kanilang pelikulang “Diary Ng Panget” ay unti-unti na siyang nagpaka-daring. Patunay ang sandamakmak na two-piece bikini photo niya sa Instagram na nang-agaw ng eksena sa social media.

May mga netizen pa ngang nagbansag sa kanya ng Kuyukot Queen dahil sa mga litrato niya sa IG: #buttpamore!

MAINE MENDOZA

Pasabog ang ginawang pagpapaseksi ng Dubsmash Queen nang bumandera sa Instagram ang mga litrato niya sa isang beach resort wearing her skimpy swimwear. Talagang napanganga at napahanga ang kanyang male supporters nang makita ang kanyang sexy body. Hindi kasi nila in-expect na kering-keri rin ni Meng ang magsuot ng two-piece to show the other side of her persona. Kahit ang ka-loveteam niyang si Alden Richards ay natulala sa pagpapaka-daring ng Phenomenal Star.

KRIS BERNAL

Naghubad. Na-bash. Nagparetoke raw at nagpalaki ng boobs. Yan ang ilan sa mga kontrobersyang ibinato kay Kris nang magdesisyong iwan ang sweet image. Grabe ang inabot na panlalait ng Kapuso actress sa mga bashers tulad ng pagtawag sa kanya ng anorexic, bulimic at kung anu-ano pa, pero hindi siya nagpatalo.

Tulad ng inilagay niyang caption sa isa niyang sexy photo: “Going with the flow and swimming against the current. I literally could not care less. Always spread positivity out into the world. Kindness can kill. So, just bury them with a smile and they will be confused!”

KATHRYN BERNARDO

Sa kauna-unahang pagkakataon, ibinilad ng tinaguriang Queen of Hearts ang kanyang katawan nang magbakasyon sila ni Daniel Padilla sa Boracay. Nag-viral ang mga litrato ni Kathryn wearing a red swimsuit and a black cap. Ayon sa dalaga, wala siyang nakikitang masama sa pagsusuot ng swimsuit lalo na sa beach.

Pero nang tanungin si Daniel kung puwede nang mag-two-piece bikini si Kath, sagot nito, “Hindi pa. Wag muna. Hindi pa ako ready. Ayoko siya makita ng ibang lalaki na ganu’n.”

RYZA CENON

“Promise, hindi ko kaya! Siguro hindi pa ako handa. Hindi naman totally no, hindi ko rin masasabi, di ba? Siguro ngayon, hindi ko pa panahon, ‘tsaka hindi ko pa talaga carry!” ‘Yan ang pahayag ni Ryza noong February, 2010.

Pero makalipas lang ang ilang taon, nagbilad din ng katawan ang Kapuso actress na ikinatuwa ng kanyang male supporters. Aniya, “I feel like I’m a late bloomer, that my body is just now reaching its womanly potential. Before, even off-cam, I couldn’t wear a two-piece suit.”

ERICH GONZALES

Nagrerebelde nga ba si Erich kaya mas nagiging palaban siya sa hubaran? Mukhang tuluy-tuloy na ang pagbibilad ng katawan ex-girlfriend ni Daniel Matsunaga. Pagkatapos magsuot ng two-piece bikini para sa isang kalendaryo, sa latest pictorial naman niya for a glossy magazine ay may pa-side boobs na ang dalaga kaya naman mas dumami pa ang mga lalaking nagpapantasya sa kanya.

“Parang dumating po ako sa punto ng buhay ko na kung hindi ko gagawin ngayon, kailan pa? I mean, I’m ready for it now, hindi na po tayo bata pa, di ba?”

JULIE ANNE SAN JOSE

Sino ba ang makakalimot sa cute na cute na batang nagpakitang-gilas sa reality singing search na Pop Star Kids sa QTV 11 na GMA News TV na ngayon? Hindi man siya ang nag-champion dito, unti-unti ring natupad ng dalaga ang pangarap niyang bituin.

Pero ginulat nga ng Asia’s Pop Sweetheart ang mundo ng social media nang mag-post siya ng sexy photos habang nasa beach. Pinaglaway ni Julie Anne ang mga guys sa kanyang two-piece bikini shots.

Grabe ang disiplina ni Julie Anne sa pag-maintain ng kanyang kapayatan. Her secret: “Regular pa rin ang kain ko, then workout, a lot of cardio especially jumping rope and stationary bike. Kailangan i-burn mo lang ang i-burn ang mga kinain mo.”

BEA BINENE

Nang mag-celebrate ng 18th birthday, medyo nag-level up ang image ng Kapuso actress. Mas naging matapang si Bea sa pagsusuot ng revealing outfit. Sa isang presscon nga ng GMA, rumampa ang dalaga nang walang bra. In fairness, talaga namang nagmumura ang kanyang boobs sa edad na 19 (34” cup B ang size ng kanyang bra).

Biro nga ni Bea, “Ay, opo. Puro boobs, wala pong puwet.” Kaya na ba siyang mag-pose nang sexy sa men’s magazine? “Ay, hindi pa po. Wag muna!”

BARBIE FORTEZA

Laglag naman ang panga ng mga kalalakihan nang bumandera sa social media ang kaseksihan at kakinisan ng tinaguriang Kapuso Primetime Princess with her black snake skin bikini. Pumayag ang dalaga na magpaseksi sa pictorial para sa hit TV series niya last year na Meant To Be.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Biglang nabura ang wholesome image ni Barbie nang kumalat sa internet ang kanyang mga sexy photos, lalo na ang kontrobersyal niyang “kuyukot pose”.

Kung type n’yong ma-achieve ang petit ngunit palung-palo na katawan ni Barbie, ito ang kanyang secret diet: “Maliit na chicken for protein, and egg whites. Walang kamote kasi hindi ko kaya… so, saba, saging na saba.”

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending