Kris nagpasalamat kay Willie sa dami ng blessing: Nabigyan niya ako ng swerte! | Bandera

Kris nagpasalamat kay Willie sa dami ng blessing: Nabigyan niya ako ng swerte!

Ervin Santiago |January 28,2018
facebook
share this

Kris nagpasalamat kay Willie sa dami ng blessing: Nabigyan niya ako ng swerte!

Ervin Santiago - January 28, 2018 - 12:10 AM

 

KRIS AQUINO AT WILLIE REVILLAME

NAGPASALAMAT ang Queen of all Media na si Kris Aquino kay Willie Revillame matapos niyang batiin ito ng “happy birthday” kahapon.

Sa media launch ni Kris bilang pinakabagong ambassador ng cosmetic brand na Ever Bilena, kino-consider niyang isang “ninong” si Willie na napakalaki ng nagawa sa tagumpay ng social media career niya ngayon.

“Hindi man natuloy ang mga pinag-usapan namin, but after that talks so many good things happened. I think nabahaginan niya ako ng swerte niya. Kaya happy, happy birthday and more blessings pa sa kanya,” ani Kris.

Masaya kasing ibinalita ng mommy nina Joshua at Bimby na more than 40 na ang kanyang endorsements and brand partnership, pang-39 daw ang Ever Bilena at may 2 pang bagong papasok sa mga susunod na buwan.

Kuwento ni Tetay, talagang nag-imbestiga siya tungkol sa EB bago niya tinanggap ang offer. Gustung-gusto niya raw ang lipstick at powder ng nasabing brand dahil bukod sa perfect sa kanyang skin tone, hindi rin daw nai-irritate ang balat niya. At siyempre, makamasa ang presyo.

Samantala, tuloy na tuloy na ang gagawin niyang horror project sa Iflix at sa March na ang simula ng kanilang shooting. Sa August na rin ipalalabas ang Hollywood movie nilang “Crazy Rich Asians” kung saan meron siyang special appearance.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending