Kanta ng Ex Battalion swak na swak daw kay Mocha | Bandera

Kanta ng Ex Battalion swak na swak daw kay Mocha

Cristy Fermin |January 27,2018
facebook
share this

Kanta ng Ex Battalion swak na swak daw kay Mocha

Cristy Fermin - January 27, 2018 - 12:05 AM

MOCHA USON

PAGKATAPOS ng kontrobersiya dahil sa tinanggap niyang parangal na ipinasoli rin naman niya agad ay naging reyna naman ng komedya si Asec Mocha Uson dahil sa kanyang kasyungahan kung sabihin ng marami.

Pinagtatawanan siya na may halong pangungutya ngayon sa social media. Hindi kasi nag-iingat si Asec Mocha, sige lang siya nang sige nang hindi man lang nagsasaliksik, kaya palagi siyang nalalagay sa alanganin.

Ang palaging patutsada ngayon sa dating singer-dancer, “Kailan pa nalipat ang Mayon volcano sa Naga City? Alam ba ni Mocha na wasak na wasak ang kaalaman niya sa geography?

Meron namang isang nagkomento, “Hindi Mayon ang dinadayo sa Naga, ang fiesta ng Peñafrancia! Nasa Pilipinas na nga siya, Pinoy na Pinoy naman siya mula nu’ng isipot siya sa mundo, pero hindi pala niya alam na nasa Albay ang Mayon Volcano?

“Ano ba naman ‘yan? Bicol na lang sana ang sinabi niya! Ayan tuloy, binigyan niya pa ng passport ang mga UST students na umuupak sa kanya na paglaruan na naman siya!

“Hindi kasi siya nag-iingat, ni hindi siya nagre-research, kaya siya palaging ginagawang katatawanan! Sabi nga ng Ex Battalion, marami nang tanga, huwag ka nang maging isa!” diretsong pagpuna kay Asec Mocha Uson.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending