Ending ng ‘ILAI’ nina Kim at Gerald pasabog | Bandera

Ending ng ‘ILAI’ nina Kim at Gerald pasabog

Ervin Santiago |January 26,2018
facebook
share this

Ending ng ‘ILAI’ nina Kim at Gerald pasabog

Ervin Santiago - January 26, 2018 - 12:55 AM

GERALD ANDERSON, KIM CHIU, JAKE CUENCA AT COLEEN GARCIA

TUTUKAN ang huling pasabog ng nangungunang daytime drama series na Ikaw Lang Ang Iibigin ngayong umaga.

Ano nga ba ang naghihintay sa buhay nina Bianca (Kim Chiu) at Gabriel (Gerald Anderson) matapos gamitin ni nina Carlos (Jake Cuenca) at Isabel (Coleen Garcia) ang kanilang bagong silang na anak para makipaghiganti at bawiin ang lahat ng nawala sa kanila.

Nakatakda nang pagbayaran ni Carlos ang lahat ng kanyang kasalanan ngayong bistado na ang ugnayan niya sa mga sindikatong gustong patayin si Gabriel, pati na rin ang walang awang pagpatay niya kay Nanay Maila (Bing Loyzaga), ang ina ni Bianca, kasama ang ama niyang si Rigor (Daniel Fernando).

Dahil sa patong-patong na kaso, wala nang kawala si Carlos sa kanyang nalalapit na pagkakakulong at habambuhay na pagdurusa sa selda. Ngunit hindi magiging hadlang ang kulungan sa kanyang kasamaan dahil makikipagsabwatan ito sa asawang si Isabel upang dukutin ang anak ng mortal nilang kaaway upang muling mapasakanila ang kayamanang dapat nilang nakuha.

Ito ang magiging pinakamalaking hamon kina Bianca at Gabriel ngunit hindi sila susukong mabawi ang kanilang anak at gagawin ang lahat upang mailigtas ito nang magkasama.

Magtagumpay nga kaya sina Carlos at Isabel sa kanilang masasamang plano?

Samantala, patuloy naman ang pangunguna ng Ikaw Lang Ang Iibigin sa huling linggo nito. Noong Lunes (Jan. 22), nagkamit ang serye ng national TV rating na 18.9%, ayon sa datos ng Kantar Media.

Mainit din ang pagtangkilik ng netizens sa palabas sa pangunguna nito sa listahan ng trending topics sa Twitter matapos umani ng libo-libong tweets.

Huwag palampasin ang huling linggo ng seryeng magpapatunay na hindi sumusuko ang puso sa pangarap at pag-ibig, ang Ikaw Lang Ang Iibigin, sa ABS-CBN.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending