Elmo kinilabutan habang ikinakasal si Maxene | Bandera

Elmo kinilabutan habang ikinakasal si Maxene

Ervin Santiago |January 26,2018
facebook
share this

Elmo kinilabutan habang ikinakasal si Maxene

Ervin Santiago - January 26, 2018 - 12:45 AM

JANELLA SALVADOR AT ELMO MAGALONA

KINILABUTAN at maluha-luha rin si Elmo Magalona habang ikinakasal ang kapatid na si Maxene Magalona kay Robby Mananquil sa Boracay.

“It was amazing, like so many things happened that I didn’t really want it to be cliche talaga eh to feel that way, pero when my sister was walking down the aisle, it gave me goosebumps talaga.

“And like my part pa na when she was walking down towards my mom, kasi siyempre my dad (Francis Magalona) isn’t around to be there, there was a butterfly, it’s caught on tape, may butterfly na lumabas to like walk with her so ang daming happy memories. I’m never going to forget ate Maxene’s wedding,” ani Elmo sa panayam ng ABS-CBN.

Isa pa sa hinding-hindi malilimutan ni Elmo ay ang pagdu-duet nila ng kanyang rumored girlfriend na si Janella Salvador sa wedding reception, “We didn’t even expect na kakanta kami on stage because we weren’t so prepared, it was like a jamming thing lang.

“After the reception, jamming on stage with the band tapos biglang tinawag ako ng sister ko na umakyat daw kami ni Janella on stage and we sang ‘Cold Summer Nights’ of my dad.

“Siyempre ako naman I am used to singing with Janella eh, but in front of my family, it was different, I couldn’t contain my laughter while singing kasi natatawa ako na ginagawa ko ‘yun in front of my family,” dagdag pa ng Kapuso singer-actor.

Feeling thankful din si Elmo dahil maganda ang relasyon ni Janella sa kanyang pamilya, “That’s also one thing that I am really happy to see because it was the biggest event that my family had na Janella was a part of. And ‘yun I am just happy with the outcome everyone gets along naman with her especially my little pamangkins so I am happy.”

Nang tanungin naman tungkol sa tunay na estado ng kanilang relasyon ni Janella, “We’re really close in a way na we understand each other and what we need to do. We’re just super close. I can’t deny that she’s special to me.”

***

Samantala, siguradong aabangan ng ElNella fans ang muling pagsabak ng magka-loveteam sa larangan ng pagdadrama. Ngayong Sabado, bibida ang dalawa sa isa na namang espesyal na episode ng Maalaala Mo Kaya hosted by Charo Santos.

Gagampanan nina Elmo at Janella ang mga karakter nina Daisy at Darling. Bata pa lang ay tila “na-love at first sight” na si Daisy nang makita niya si Darling na naging ring bearer sa kasal na dinaluhan ng kanyang pamilya.

Simula noon, hindi na niya tinigilan ang pangungulit kay Darling. Asar na asar naman ang binatilyo kapag tinatawag siya ni Daisy ng “Darling, asawa ko!” lalo na kapag kasama niya ang kanyang mga kaibigan.

Panandaliang nakalimutan ni Daisy si Darling nang magkaroon ng trahedya sa kanilang pamilya – na-stranded ang kanyang ama sa Malaysia kaya napilitan siyang magtrabaho para tulungan ang ina sa mga gastusin. Si Darling naman ay nagpatuloy sa kanyang pag-aaral at lumaking playboy.

Lumipas ang panahon, muling nagkita sina Daisy at Darling sa kanilang probinsya. Dito unti-unting nahulog ang loob ng binata sa dalagang kinaiinisan niya noon. Nakita niya kung gaano kasipag at karesponsable si Daisy sa buhay.

Niligawan ni Darling ang dalaga hanggang sa sinagot siya nito. Ngunit tumagal lang ng dalawang buwan ang kanilang relasyon dahil nakipaghiwalay ang dalaga nang mabuking na may dalawa pa palang girlfriend ang kanyang kasintahan sa Maynila.

Ipinagpatuloy ni Daisy ang pagtatrabaho at pagtulong sa kanyang pamilya habang napatunayan naman ni Darling na si Daisy pa rin ang mahal niya at gustong mapangasawa. Muli siyang nakipagkita sa dalaga at humingi ng second chance.

Bigyan pa kaya ni Daisy ng isa pang pagkakataon ang binata na makapasok sa kanyang buhay at puso?

May forever pa kayang naghihintay para sa kanila? ‘Yan ang dapat n’yong abangan sa pagbabalik nina Elmo at Janella sa MMK ngayong Sabado ng gabi sa ABS-CBN.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Ito’y sa direksyon ni Raz dela Torre sa panulat ni Mae Rose Balanay. Makakasama rin nila rito sina Yayo Aguila, Karen Timbol, Hiyasmin Neri, Krystal Mejes at Marc Santiago.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending