Ruru 'inatake' nang magpadila ng leeg sa aso | Bandera

Ruru ‘inatake’ nang magpadila ng leeg sa aso

|January 24,2018
facebook
share this

Ruru ‘inatake’ nang magpadila ng leeg sa aso

- January 24, 2018 - 12:30 AM


WALANG dapat ikabahala o ikagalit ang fans nina Ruru Madrid at Gabbi Garcia sa pag-eksena ni Janine Gutierrez sa bagong serye ng magka-loveteam sa GMA Telebabad, ang Sherlock Jr..

Sa unang bahagi lang ng serye mapapanood ang karakter ni Janine bilang si Irene Manansala, isang lifestyle reporter sa isang broadsheet at girlfriend nga ni Ruru na gumaganap naman bilang si Sherlock “Jack” Jackson Jr., na isa namang investigative reporter.

Ang GabRu pa rin naman daw ang ibebenta sa bagong primetime serye ng GMA kaya walang dahilan para magtampo ang kanilang mga supporters. Sa kuwento, gagampanan naman ni Gabbi ang karakter ni Lily Pelaez, na assistant sa isang veterinary clinic at mahilig ding sumali sa mga beauty pageant.

Matagal nang katrabaho ni Ruru si Gabbi kaya hindi na sila masyadong nahirapan sa mga eksena nila sa Sherlock Jr., kaya naman mas maraming tanong sa binata tungkol sa working relationship nila ni Janine.

“Yes, first time ko na maka-work si Janine sa isang soap but before kasi nag-guest siya sa Encantadia pero sobrang sandali lang at hindi kami nagkaeksena. Working with Janine, sobrang nakakatuwa kasi hindi ko in-expect na ganyan siya kabait.

“Sobrang natutuwa ako na naging katrabaho ko si Janine, kumbaga feeling ko sa mga scenes namin may mga natututunan pa ako sa kanya. Nakakahugot ako sa kaniya, ‘yung mata niya kasi eh, kapag tinitigan mo ‘yung mga mata niya, nangungusap, kaya madadala ka. Masaya, sana ‘di ito ‘yung last na magkasama kami sa trabaho,” chika ng Kapuso heartthrob.

Aminado naman si Janine na hinahangaan din niya si Ruru bilang aktor, “Masaya pero seryoso, I’ve always been a fan talaga kasi magaling talaga si Ruru bata pa lang siya, gusto ko rin talaga siya maka-work.”

Samantala, magiging bahagi rin ng bagong Kapuso serye ang Golden Retriever na si Serena na siyang magiging partner-in-crime ni Ruru.

Sa tunay na buhay ay takot talaga ang aktor sa aso, kaya sa unang mga eksena nila ni Serena ay takot na takot daw siya, “Meron kaming scene sa pilot na kailangan ako dilaan ni Serena dito (sa leeg), as in hindi ko kinaya. As in muntikan na ako himatayin.”

Pero na-overcome rin daw ni Ruru ang kanyang takot sa aso dahil sa tulong na rin ng kanilang direktor na si Rechie del Carmen.

Hirit nga ni Ruru, “Feeling ko after nitong show na ito talagang iiyak ako kapag hindi ko na makakasama si Siri (Serena).”

Singit naman ni Janine, “At sa tingin ko lahat ng tao mai-in love kay Siri kasi sobrang cute, sobrang talino tapos umaarte talaga siya,” sabi ni Janine.

Dugtong pa ng dalaga, “Super fun kasi ngayon lang ako nagkaroon ng kasama na aso sa taping. Minsan dati pinapabisita ko ‘yung dog ko sa akin sa set pampatanggal ng pagod or kapag inaantok na, pinapasundo ko ‘yung dog ko. So ngayon everyday, the whole day may kasama kaming dog, so super saya.”

Bukod sa maaaksiyon at madadramang eksena sa Sherlock Jr ay marami ring nakakatuwa at nakakatawang eksena sa programa na siguradong ikaka-good vibes ng mga manonood every night. Sa gabi-gabing episode ng SJ, dapat tutukan ang mga mystery cases na dapat i-solve nuina Ruru, Janine at Gabbi, kasama ang wonder dog na si Serena na bibigyang-boses ni Mikee Quintos.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Makakasama rin sa Sherlock Jr sina Ai Ai delas Alas, Tonton Gutierrez, Andres Paras, Roi Vinzon, Sharmaine Arnaiz, Rochelle Barrameda, Matt Evans, Alyana Asistio, Kate Valdez, Sofia Pablo at marami pang iba. Magsisimula na ito sa Jan. 29 after 24 Oras sa GMA Telebabad. Ito ang papalit sa magtatapos nang Super Ma’am ni Marian Rivera.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending