Tatay ni Vhong Navarro pumanaw na; Showtime family nagluluksa | Bandera

Tatay ni Vhong Navarro pumanaw na; Showtime family nagluluksa

Ervin Santiago |January 23,2018
facebook
share this

Tatay ni Vhong Navarro pumanaw na; Showtime family nagluluksa

Ervin Santiago - January 23, 2018 - 12:15 AM

VHONG NAVARRO KASAMA ANG AMA AT MGA KAPAMILYA

PUMANAW na ang ama ng TV host-comedian na si Vhong Navarro matapos makipaglaban ng ilang buwan sa kanyang karamdaman.

Kanina sa noontime show ng ABS-CBN na It’s Showtime, kinumpirma ng isa sa mga host ng programa na si Amy Perez ang malungkot na balita.

“Nais po naming samantalahin ang pagkakataong ito para sa panandaliang katahimikan. Ipinapaabot po ng buong’Showtime’ family ang amin pong taos-pusong pakikiramay sa pamilya Navarro, lalo na sa kapatid nating si Vhong sa pagpanaw po ng kanilang daddy na si daddy Danilo Navarro.

“Vhong, kaisa mo kami sa pagdarasal para sa iyong daddy at sa iyong pamilya. Kaya be strong. We love you Vhong,” pahayag ni Amy.

Ayon naman sa kaibigan at co-host ni Vhong sa programa na si Jhong Hilario, “Kuys Vhong, alam namin na kaya mo ‘yan, nandito kaming buong pamilya mo at ‘Showtime’ na kasama mo sa pagdadalamhati mo. I’m sure malalampasan mo lahat ng problema mo. We love you, Vhong.”

Nitong nakaraang holiday season, ibinalita ni Vhong sa madlang pipol na naospital ang kanyang tatay kaya humingi siya ng panalangin para sa paggaling nito. Hindi naman siya nagbigay ng detalye kung ano ang sakit ni G. Navarro.

Mensahe pa ng komedyante sa kanyang ama, “Kapit lang, Dad,” he said in an Instagram post. “Di ka Niya papabayaan. I love you so much.”

 

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending