Payo kay Nadine: Dapat humingi ng tulong kina Lorna at Zsa Zsa | Bandera

Payo kay Nadine: Dapat humingi ng tulong kina Lorna at Zsa Zsa

Cristy Fermin |January 22,2018
facebook
share this

Payo kay Nadine: Dapat humingi ng tulong kina Lorna at Zsa Zsa

Cristy Fermin - January 22, 2018 - 12:05 AM
MABUTInaman at natuto na si Nadine Lustre. Bago siya magbitiw ng mga salita ngayon ay pinag-iisipan na muna niyang mabuti para hindi siya pagpistahan sa social media. Alam ni Nadine na binabantayan siya ngayon ng mga netizens, lalo na ng kanyang mga bashers, konting sabihin lang niya ay hinahanapan na ng butas ng mga hindi nagkakagusto sa kanyang mga binibitiwang salita. Nauntog na nu’n ang dalaga sa papilosopo niyang pagsagot na panahon na ng milenyal ngayon, kaya ang pakikipag-live-in ay hindi na nakagugulat, umani siya nang masigabong upak sa social media dahil sa kanyang sinabi. Pero ngayon, kapag tinatanong si Nadine tungkol sa issue ng live-in ay bantulot na siyang sumagot, alam na niya ang kanyang stand, para sa kanila na lang daw ni James Reid ang anumang personal tungkol sa kanila. Pero nakakaawa naman ang dalaga, hindi biro ang pinagdadaanan niyang sakit ngayon, dahil meron siyang scoliosis na nagiging dahilan ng pananakit ng kanyang ulo at panghihina. Kailangang humingi ng payo si Nadine Lustre kina Lorna Tolentino at Zsa Zsa Padilla na scoliotic din. Dumaan din sa matinding problema nu’n ang dalawang personalidad pero naihanap nila ng solusyon ang kanilang karamdaman.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending