Huli sa akto: Coco, Yassi sweet na sweet sa tindahan | Bandera

Huli sa akto: Coco, Yassi sweet na sweet sa tindahan

Reggee Bonoan |January 22,2018
facebook
share this

Huli sa akto: Coco, Yassi sweet na sweet sa tindahan

Reggee Bonoan - January 22, 2018 - 12:10 AM

USAPING pack-up ng taping pa rin, aba’y dinaig pa ng kilalang loveteam sa ating blind item si Lola Flora, sng karakter ni Ms. Susan Roces sa FPJ’s Ang Probinsyano.

Maski kasi napapagod na at inaantok  ay hindi pa rin niya magawang magpa-pack up ng taping dahil alam niyang napakalaki ng mawawala sa kaban ng Dreamscape Entertainment.

Oo nga, natatawa nga kami sa naririnig naming running joke sa mga nanonood ng aksyon-serye ni Coco Martin, “Buti hindi nagkakasakit si Lola Flora sa rami ng problema nila sa Probinsyano, hindi na natapus-tapos lagi na lang pinoproblema si Cardo (Dalisay).”

Tama rin naman kasi patung-patong pa rin ang problema sa Ang Probinsyano, kanya-kanyang gulo na sila sa pagitan ng mga tiwaling pulis at grupo nina Coco, Lito Lapid at anak nitong si Mark Lapid, bukod pa sa laban nila kina Joko Diaz at Eddie Garcia dahil sa ilegal na droga.

Dagdag ding kalaban ang mismong pinuno ng PNP na si John Arcilla at aide nitong si Sid Lucero na gustong maagaw ang posisyon ni Angel Aquino bilang si General Oligario.

Pero sabi nga, magtatapos na raw ang FPJ’s Ang Probinsyano sa Pebrero at tiyak na makakapahinga na ang lahat ng involved sa serye.

Samantala, may nagpadala sa amin ng litratong magkatabi sa upuan sina Coco at Yassi Pressman, nakapatong ang mga kamay ng dalaga sa hita ng aktor habang nakaakbay ang binata sa aktres na may caption na, “Hi! Lovers sa tindahan.”

Tsinek namin kung kasama ito sa taping ng kanilang serye pero parang hindi naman dahil wala naman kaming napanood na ganitong eksena sa mga nakaraang episode ni FPJAP. O, baka hindi pa ito umeere?

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending