Da who: opisyal abala na sa pangangampanya

By Bella Cariaso January 21,2018
share this

Da who: opisyal abala na sa pangangampanya

By Bella Cariaso January 21,2018
share this

DA who ang isang opisyal ng pamahalaan na nag-aambisyong maging senador ang ngayon pa lamang ay nangangampanya sa pamamagitan ng pag-iikot sa iba’t ibang probinsiya at doon nagsasagawa ng briefing?

Ewan kung epektibo ang ginagawa ng opisyal kung saan idinadahilan niya ang kanyang trabaho para maisulong ang kanyang ambisyon.

Bahagi kaya ng pagtanggap niya ng trabaho ang pagpayag na makaikot siya sa mga probinsiya?

Malamang ay bago pa ang kampanya sa 2019 senatorial elections tapos nang ikutin ng opisyal ang buong bansa.

Sa isang linggo kasi, halos araw-araw ay nasa ibang lugar si Mr. Official.

Hindi kaya napapagod si Mr. Official sa kanyang ginagawang halos araw-araw na pagsakay ng eroplano para lamang makapag-ikot.

Kahapon lamang ay nasa out-of-town si Mr. Official at doon nagbriefing.

Walang nagawa ang nagko-cover sa kanya na abangan na i-live sa social media ang kanyang briefing para lamang mapanood siya.

Kung ipinagbawal ni Pangulong Duterte ang junket sa ibang bansa ng mga opisyal, hindi kaya dapat ipagbawal din ang mga out-of-town na halatang ginagamit na sa kampanya ng opisyal?

Tila seryoso ang opisyal sa kanyang planong tumakbo sa pagkasenador.

Dapat pala ay una siyang tumutol sa no elections na gustong isulong ng ilang mambabatas dahil mapupurnada ang kanyang ambisyon.

Gusto n’yo ba ng clue?

Ayaw ng opisyal na nagpapa-ambush interview sa media dahil wala daw magta-transcribe ng kanyang panayam.

Hindi naman takot si Mr. Official na walang magta-transcribe sa kanyang briefing habang naka-out-of-town dahil may nakatalaga talagang division sa kanyang ahensiya para mag-transcribe lahat ng mga interview na may kinalaman sa kanyang nirerepresenta.

Swerte naman ni Mr. Official, tinotolerate siya sa kanyang ginagawa.

Gusto pa ninyo ng clue? Itinatatwa na si Mr Official ng unibersidad na kanyang pinanggalingan dahil sa kanyang mga aksyon.

Mukhang hindi na rin masikmura ng kanyang dating unibersidad ang nawalang prinsipyo ng opisyal dahil sa kanyang pangarap kayat kahit sila ay gusto nang dumistansiya sa kanya.

Ang nagagawa nga ng ambisyon sa isang tao.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending