Juday payag gawin ang millenial version ng ‘Mara Clara’: Siguro may anak na ako, at di na api-apihan!

By Ervin Santiago January 21,2018
share this

Juday payag gawin ang millenial version ng ‘Mara Clara’: Siguro may anak na ako, at di na api-apihan!

By Ervin Santiago January 21,2018
share this


GAME si Judy Ann Santos na gawin ang “millennial” version ng classic TV series na Mara Clara kung saan nakasama niya si Gladys Reyes bilang kontrabida.

Sa isang video chat, natanong si Juday kung papayag ba siyang gampanan uli ang karakter na Mara kung sakaling gawan ito ng bagong version kasama uli si Gladys.

Napangiti at napaisip muna si Juday sabay sagot ng, “Malamang matanda na siya! Parang feeling ko, sa panahon ko, ipo-portray si Mara nang ganitong edad siya, tapos may mga anak siya, hindi na siya puwedeng api-api.”

Hirit pa ng misis ni Ryan Agoncillo, “Ipagtatanggol na niya ‘yung mga anak niya, kung sila ang inaapi. I think ‘yung story, magiging ganu’n.

“Tsaka, malamang si Clara (Gladys), bina-bash na lang nang bina-bash si Mara sa Instagram,” natatawa pang sabi ni Juday.

Siguradong papatok sa audience ang remake ng Mara Clara with the original cast, lalo na kapag pinagsama uli sina Juday at Gladys na talaga namang perfect together bilang bida at kontrabida.

Pwede rin namang gawan ito uli ng movie version para mas maging cinematic ang approach.

Limang taong umere ang original series na Mara Clara nina Juday at Gladys na naisalin pa nga sa pelikula.

Noong 2010, ni-remake ito ng ABS-CBN na pinagbidahan naman nina Kathryn Bernardo at Julia Montes.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending