Sigaw ng KathNiel fans kay Daniel: Respeto naman para kay Kathryn! | Bandera

Sigaw ng KathNiel fans kay Daniel: Respeto naman para kay Kathryn!

Cristy Fermin |January 21,2018
facebook
share this

Sigaw ng KathNiel fans kay Daniel: Respeto naman para kay Kathryn!

Cristy Fermin - January 21, 2018 - 12:01 AM

DANIEL PADILLA AT KATHRYN BERNARDO

HANGGANG ngayon ay hindi pa sarado ang malaking tampo ng mga tagahanga nina Daniel Padilla at Kathryn Bernardo dahil sa pagsulpot ng kuwentong hiningi ng aktor ang cellphone number ng isang fan na nagparetratong kasama niya.

Masama ang loob ng grupo, palagi na lang daw ganu’n ang ginagawa ni DJ, hindi na nga raw kumibo nu’n si Kathryn nang sumabog ang kuwentong crush ng aktor si Jasmine Curtis.

Sana raw naman ay respetuhin ni Daniel ang kanyang ka-loveteam sa harap at likod ng mga camera.

Hinihigpitan daw ni DJ ang dalaga kahit sa pananamit, pero siya naman pala itong may mga ginagawang makapananakit sa damdamin ng dalaga, hindi raw parehas ang ganu’ng laban.

Hindi naman sapat na dahilan ang sinabi ng fan na hiningi ni Daniel ang cellphone number nito para masira ang kanilang relasyon ni Kathryn, pero may punto rin ang kanilang mga tagasuporta, respetuhan lang ang kailangan.

Kailangang nag-iingat si Daniel, kailangang binabantayan niya ang kanyang mga galaw, para walang mga ganyang kuwentong lumulutang na nakaaapekto sa kanilang samahan ni Kathryn. Kahit hindi nagsasalita ang dalaga ay siguradong nakaapekto rin sa kanya ang lumabas na istorya.

Ingat, ingat, ingat. ‘Yun ang palaging payo ng mga tagasuporta ng KathNiel sa idolo nilang lalaki.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending