Mr. Legislator gustong balikan si Konsehala

By Den Macaranas January 19,2018
share this

Mr. Legislator gustong balikan si Konsehala

By Den Macaranas January 19,2018
share this

HANGGANG ngayon ay nanghihinayang ang isang binatang mambabatas dahil may kinakasama ng iba ang dati niyang girlfriend na konsehal sa kanilang lungsod.

Ilang taon rin kasing naging girlfriend ni Mr. Legislator si Madam Councilor pero nanatiling secret ang kanilang relasyon dahil sa ngalan ng pulitika.

Sa totoo lang ay mas lalong gumanda si Konsehala kahit na medyo tumaba ito sa ngayon, ayon sa aking Cricket.

Mas lalong bumagay sa kanyang mala-anghel na mukha ang bago niyang timbang kumpara noong araw na lumalabas pa sya sa TV bilang isang commercial model at partime actress.

Si Mr. Legislator naman ay nananatiling binata until now bagaman marami na siyang
naging kasintahan.

Kabilang sa kanyang naging GF ay isang magandang aktres na ngayon ay happily married naman sa isang sikat na aktor.

Kamakailan sa isang kasalan ay muling nagkita sina Mr. Legislator at Konsehala kung saan ay tumayo sila bilang Ninong at Ninang.

Sila ang magkapartner down the aisle kaya tuwang-tuwa raw si Sir sabi ng aking Cricket.

Habang nasa reception ay naikwento ng mambabatas na sila raw sana ang magkasama ngayon kung sineryoso lamang nya ang kanilang relasyon dati.

Bagaman tumatanda na si Mr. Legislator till now ay wala pa raw itong balak na mag-asawa lalo’t hanggang ngayon ay puro laro lang sa pag-ibig ang kanyang inaatupag.

May mga ka-flings sya as in marami ayon sa aking Cricket pero hanggang dun lang daw iyun dahil hindi pa siya sawa sa pagiging binata.

Pero iba raw ang kanyang tama kay Konsehala na kanyang tinawag bilang wifey material sana.

Ang binatang mambabatas na inlove pa rin sa ka yang ex na Konsehalang GF ay si Mr. G….as in Godzilla.

Ang modelo at dating artista na kanyang naging secret GF ay si Madam P…an in Panda.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending