Juday sa isyu ng pagtataksil: Napakaswerte ko sa asawa, super honest ni Ryan! | Bandera

Juday sa isyu ng pagtataksil: Napakaswerte ko sa asawa, super honest ni Ryan!

Ervin Santiago |January 19,2018
facebook
share this

Juday sa isyu ng pagtataksil: Napakaswerte ko sa asawa, super honest ni Ryan!

Ervin Santiago - January 19, 2018 - 01:10 AM

RYAN AGONCILLO AT JUDY ANN SANTOS

TINULDUKAN na ni Judy Ann Santos with matching exclamation point ang matagal ng tsismis tungkol sa diumano’y pagtataksil ng kanyang asawang si Ryan Agoncillo.

Kung matatandaan, may mga naglabasang chika last year na may other woman daw si Ryan na isa sa mga rason kung bakit daw muntik nang maghiwalay ang mag-asawa. Mariin naman itong pinabulaanan ng mga taong malalapit sa dalawa.

Sa guesting ni Juday sa Tonight With Boy Abunda, natanong ang Teleserye Queen kung may valid reason ba para magtaksil o mangaliwa ang taong may karelasyon na.

Tugon ni Juday, “Wala eh but for me kasi once you cheat, it’s there already, andiyan na yan, nasa history niyo nang mag-dyowa. Why do you have to cheat? Bakit ka dumating sa puntong nag-cheat?

Bakit ‘di mo sinabi sa ‘kin na ‘di ka na masaya? Or something is wrong?”

Dagdag pa ng aktres, mas madaling tanggapin kung mismong sa karelasyon niya manggaling ang katotohanan kesa marinig pa niya ito sa ibang tao.

Pero may pagkakataon ba sa siyam na taon na nilang pagsasama ni Ryan bilang mag-asawa na pinagdudahan niya itong nagloloko?

“Wala. Siguro napakaswerte ko sa partner. Nakahanap ako ng asawa na super honest. Hindi naman niya kailangan sabihin sa akin araw-araw that he loves me but we always say we love (each other).

“Hindi ako nagde-demand but he does it anyway and I love it. Kasi pahaba nang pahaba ang buhok ko, pa-trim nga ako ng pa-trim. Ha-hahaha! I think that’s really important,” pahayag pa ni Juday.

 

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending