Jodi maligaya sa piling ni Jolo; kinokontra ang mga nega | Bandera

Jodi maligaya sa piling ni Jolo; kinokontra ang mga nega

Ervin Santiago |January 19,2018
facebook
share this

Jodi maligaya sa piling ni Jolo; kinokontra ang mga nega

Ervin Santiago - January 19, 2018 - 12:55 AM

JOLO REVILLA AT JODI STA. MARIA

HANGGANG ngayon ay “maramot” pa rin si Jodi Sta. Maria sa pagse-share ng ilang detalye tungkol sa relasyon nila ni Jolo Revilla.

Kamakailan, pinagpiyestahan ng mga netizen ang mga sweet photos nilang dalawa na magkasama.

Hindi man aminin ng dalawa, pero kitang-kita sa kanilang mga litrato ang sobrang kaligayahan at pagmamahal sa isa’t isa.

Sa panayam ng ABS-CBN kay Jodi, inamin nitong okay na okay ang relasyon nila ni Jolo.

“Ayun lang ang masasabi ko, masaya na masaya na lahat. Everything is going well and the Lord has been good,” sabi ng lead actress sa bagong teleserye ng ABS-CBN na Sana Dalawa Ang Puso.

Puring-puri rin ng mga netizen si Jodi dahil sa pagiging positive person nito sa social media, hindi siya ‘yung tipo ng artista na nakikipag-away sa mga basher.

“Every morning I post inspirational and motivational messages to my followers and I think na in this world we live in na medyo maraming toxic and negativity na nangyayari, I think I might as well use my influence to uplift those spirits na medyo low,” sey ng aktres.

Kamakailan naman ay nagpasabog uli ng good vibes si Jodi nang pasalamatan niya si Iwa Moto, ang bagong partner ng kanyang ex-husband na si Pampi Lacson. Si Iwa raw ang nagsisilbing ikalawang ina ng anak nila ni Pampi na si Thirdy kapag meron siyang trabaho.

Anyway, mapapanood na ang Sana Dalawa Ang Puso simula sa Jan. 29 sa ABS-CBN.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending