Bela Padilla laging pinagtitripan ni Vice sa Showtime | Bandera

Bela Padilla laging pinagtitripan ni Vice sa Showtime

Ambet Nabus |January 18,2018
facebook
share this

Bela Padilla laging pinagtitripan ni Vice sa Showtime

Ambet Nabus - January 18, 2018 - 12:10 AM

HOW true ang chismax kapatid na Ervin, na diumano’y pasikreto muna ngayong nagkikita at nag-uusap ang dating showbiz couple para ma-test kung puwede pa rin silang maging magkaibigan?

Never naman daw kasing nagkaroon ng lamat ang friendship nila after the break up maliban na lang sa pag-outgrow nila ng kanilang “puberty age feelings,” na naging baon nga nila sa kanilang nga career, for them to be among showbiz’s most competent performers.

Nagkaroon sila ng kanya-kanyang involvement sa iba, taga-showbiz man o outside of it, but they remained “casual good friends.”

Never na rin silang nagkatrabaho uli, but since napag-uusapan ang mga dating love teams, bigla silang nagsasabi ngayong open sila sa magagandang projects kung may offer. Ang siste, sa latest palang pinagdaanan ni male celebrity ay ang pagiging kikay ni female celebrity ang tila nagbibigay-kulay kay lalaki.

Madalas daw nitong hanapin ang halakhak at tawa ng dating GF, to the point na ginawa na niya itong ringtone sa kanyang phone. At dahil very available naman si aktres na ilang beses na ring nakaranas ng pait sa larangan ng pakikipagrelasyon, open naman siya sa pakikipag-communicate sa aktor na ngayo’y masasabi mong super yummy talaga ang peg.

Ang latest na chismax ay ang diumano’y pagkikita nila ngayon with some old friends pati na ang pagdalaw uli sa mga respective homes nila. Abangan na lang ang mga susunod na kabanata mga ka-BANDERA.

q q q

Grabe talaga ang mga ganap sa Showtime kapag present si Vice Ganda.

Last Tuesday, guest co-host nila uli si Bela Padilla at gaya ng dati, lagi itong pinagtitripan ni Vice.

Binabara o pinasasaringan ni Vice ang aktres tungkol sa lovelife at kung sino mang umano’y inagaw nitong lalaki sa kanya.

Until dumating sa portion ng Tawag Ng Tanghalan kung saan sa sobrang lamig sa studio at dala na rin ng tagal ng portion ng labanan sa kantahan ay sinumpong ng “banyo break” ang maganda at seksing aktres.

Bago matapos ang programa kung saan iaanunsyo na ang nanalo, bigla ba namang inanunsyo ni Vice na nasa “CR” pa si Bela dahil hindi na raw nito napigilan ang “tawag ng kalikasan.”

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Tawang-tawa ang lahat pati na ang co-hosts nilang sina papa Vong Navarro at Jhong Hilario lalo pa’t tumatakbong naki-join uli sa stage ang medyo namumula at may butil-butil pang pawis na si Bela.

Sobra talaga kaming naaliw sa eksenang yun!

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending