Maingay na gay celebrity may problema sa 2 tenga

By Cristy Fermin January 18,2018
share this

Maingay na gay celebrity may problema sa 2 tenga

By Cristy Fermin January 18,2018
share this

SIRENA ang tawag sa kanyang hanay. Siyokoy na naging sirena.

Pero literal na maingay ang isang pamosong becki, alam na alam mo agad kapag nandiyan lang siya sa tabi-tabi, hindi maikakaila na siya na nga ‘yun kapag narinig mo na ang boses na maikukumpara sa sirenang nagwawangwang.

Kahit nu’ng hindi pa sumisikat ang becking bumibida sa kuwentong ito ay sobrang ingay na niya. Hindi niya mapigil ang sobrang lakas ng kanyang boses kahit saan siya nandu’n.

Kuwento ng kanyang mga dating kasamahan sa isang comedy bar, “Nu’ng una, ang akala namin, e, talagang ganu’n lang ang boses niya. Malakas, matining, parang nagpapapansin lang siya.

“Huli na nu’ng malaman namin na meron pala siyang diperensiya sa tenga. Medyo may kahinaan pala ang pandinig niya. E, di ba, ganu’n naman? Malakas magsalita ang medyo bingi?

“So, mula nu’n, e, naintindihan na namin kung bakit ang lakas-lakas niyang magsalita, kung bakit siya maingay, may konti palang dapat ayusin sa magkabila niyang tenga,” kuwento ng source na dating nakakasama ng becki sa kanyang mga raket nu’ng hindi pa siya sikat na sikat.

Pero may ipinagtataka naman ang isang impormante, sa kabila ng kahinaan ng kanyang pandinig ay napakalakas ng kanyang radar, nasasagap niya ang lahat ng mga kuwentuhan sa paligid.

“Nakakaloka ang baklang ‘yun! Kung minsan tuloy, e, magdududa ka na kung alam mo ang sitwasyon niya. Ang lakas-lakas ng pandinig niya kapag may nagbubulungan!

“Malakas ang pandinig niya, umaariba ang radar niya, nasasagap niya kahit ang mga nagbubulungan sa paligid niya! Nakakaloka siya! Deadma lang ang drama niya, pero alam niya ang nangyayari kung kaninuman!

“Pero sinuwerte ang becki, masipag naman kasi siya, saka may baon na talento! Palabasa ang baklitang ‘yun, hindi siya nahuhuli sa current events!

“Ang ganda-ganda, di ba? Sikat na sikat na siya ngayon, e, napakayaman pa ng baklita!” kuwento ng aming source.

Bradly Guevarra, Tita Nene Ulanday, Jon at Ching Bautista Silverio, mahina ang pandinig n’yo kapag hindi n’yo pa nagetlak kung sino siya.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

TODAY'S ISSUE OF BANDERA
What's trending