Asintado ni Julia trending, wagi agad sa rating | Bandera

Asintado ni Julia trending, wagi agad sa rating

Ervin Santiago |January 18,2018
facebook
share this

Asintado ni Julia trending, wagi agad sa rating

Ervin Santiago - January 18, 2018 - 12:30 AM


AGAD na kinapitan at namayagpag sa national TV ratings ang pag-uumpisa ng inaabangang serye ng ABS-CBN na Asintado matapos itong maghandog ng makapigil-hiningang aksyon noong Lunes.

Nagkamit ang seryeng pinagbibidahan ni Julia Montes ng national TV rating na 17.7%, ayon sa datos ng Kantar Media. Naging usap-usapan din sa social media ang palabas matapos manguna sa listahan ng trending topics ang official hashtag ng programa na #AsintadoPanimula at umani ng libo-libong tweets.

Sa pag-uumpisa ng serye, nakilala ng mga manonood ang magkapatid na sina Juliana at Katrina na pinaghiwalay ng tadhana matapos masunog ang kanilang tahanan na pumatay sa kanilang mga magulang.

Sa kanilang pagkakalayo, magbabago ang kanilang kapalaran dahil kukupkupin sila ng dalawang magkaibang pamilyang magbibigay sa kanila ng bagong buhay.

Ano na nga ba ang naghihintay na kinabukasan para kina Juliana at Katrina? Makilala pa nga kaya nila ang isa’t-isa sa pagkakataong magkita silang muli?

Samantala, lubos ding tinutukan ang pagtatapos ng Pusong Ligaw na umere sa parehong timeslot at nagtala ng all-time high national TV rating na 22%, ayon pa rin sa datos ng Kantar Media.

Huwag palampasin ang serye na kasado ang pag-ibig at paghihiganti, ang Asintado sa Kapamilya Gold tuwing hapon sa ABS-CBN.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending