Kim, Gerald hirap na hirap sagutin ang usaping-kasalan | Bandera

Kim, Gerald hirap na hirap sagutin ang usaping-kasalan

Reggee Bonoan |January 18,2018
facebook
share this

Kim, Gerald hirap na hirap sagutin ang usaping-kasalan

Reggee Bonoan - January 18, 2018 - 12:30 AM

KIM CHIU AT GERALD ANDERSON

SINO nga ba ang Mr. Right para kay Kim Chiu?

Nag-guest sa Magandang Buhay ang mga bida ng seryeng Ikaw Lang Ang Iibigin na pinangungunahan nina Kim, Gerald Anderson at Coleen Garcia, kung saan natanong nga ang dating magkasintahan kung kailan sila magpapakasal?

Ngayong summer na ikakasal sina Coleen at Billy Crawford kaya ang tanong kina Gerald at Kim ay kung kailan naman sila.

Naaliw kami kay Ge dahil hindi siya makasagot at idinaan na lang niya ito sa tawa, hindi pa nga naman kasi sila pormal na umaamin ni Bea Alonzo sa kanilang relasyon.

Samantalang si Kim naman ay napapangiti lang, sabay sabing, “Basta kumanta ka lang ng ‘Mr. Right’ baka nga naman matagpuan na niya.” Napatanong tuloy kami kung hindi pa ba si Xian Lim ang tamang lalaki para kay Chinita Princess?

Naisip ko nga na baka naman sakto kina Gerald at Kim ang titulo ng serye nilang Ikaw Lang Ang Iibigin?

Anyway, may mamamatay ba sa ending ng ILAI? May nagsabi kasi na abangan namin kung sino sa major cast ang matsutsugi dahil ibubuwis niya ang buhay niya para hindi mamatay sinuman kina Gerald at Kim. Sino kaya sa mga karakter nina Gina Pareño, Michael de Mesa at Isay Alvarez (totoong ina ng karakter ni Derald) ang mamamatay sa huling episode ng ILAI?

q q q

Nasa alapaap ang pakiramdam ngayon ni Moira dela Torre dahil bukod sa soldout ang tickets sa Feb. 17 solo concert niya sa KIA Theater na may titulong “Tagpuan” ay nanalo rin siya ng tatlong award sa nakaraang Wish Music Awards.

Naiuwi ni Moira ang Wishclusive Contemporary Folk Performance of the Year award para sa awiting “Malaya” (Beneficiary: Save The Children); Wishclusive Viral Videos of the Year (Malaya, na idinirek ni John Prats featuring Sam Milby and Angelica Panganiban); at Wishclusive Elite Circle (Malaya).

Going back to “Tagpuan” concert ni Moira, ginawa na pala itong dalawang gabi base sa post ng manager cum producer ng show na si Erickson Raymundo, “Due to the overwhelming response of concert goers – WITH ALL TICKETS SOLD OUT IN JUST 4 DAYS!!! AND STILL A STRONG DEMAND FOR MORE – we are opening up another night for more people to experience her music. See you for the 2ND NIGHT of Moira dela Torre’s Tagpuan on Feb 18, 7 p.m. at the KIA.”

Makakasama rin sa concert na ito sina Yeng Constantino, Keana Valenciano, Inigo Pascual, Sam Milby at maraming iba.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Samantala, may lumabas na isyung plano nang magpakasal ni Moira dahil ang matagal na niyang boyfriend na si Jayson Marvin ay ipinakilala na raw sa pamilya ng father side niya.
Pero ang sabi naman ng handler ni Moira na si Mac Merla, “Hindi pa mag-aasawa si Moira.”

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending