Bagets sinugod si Kim Domingo sa taping: Gusto raw niya akong pakasalan! Ang cute! | Bandera

Bagets sinugod si Kim Domingo sa taping: Gusto raw niya akong pakasalan! Ang cute!

Jun Nardo |January 17,2018
facebook
share this

Bagets sinugod si Kim Domingo sa taping: Gusto raw niya akong pakasalan! Ang cute!

Jun Nardo - January 17, 2018 - 12:15 AM


PABATA nang pabata ang nagkakagusto ngayon kay Kim Domingo. Nakatulong sa kanya ang pagsali sa GMA series na Super Ma’am na mga batang manonood ang target na televiewers.

Binisita si Kim ng isang bagets sa taping fantasy-action series na pinagbibidahan ni Marian Rivera. Ipinost pa niya sa kanyang Instagram ang photo nilang dalawa.

“Ang pinakabata kong manliligaw. Bata pa lang pumapag-ibig na. Pumunta siya sa taping ko at may padala pa talagang bulaklak at chocolates. Gusto nya daw akong pakasalan. Ha-hahaha! Ang cute mo!” ang caption ni Kim sa picture nila ng bagets sa IG.

Of course, hindi naman ipinagkakaila ni Kim na nu’ng pasukin niya ang showbiz, bentahe niya ang kanyang seksing image. Pero nandoon pa rin ang pangarap niyang makilala siya bilang aktres tulad ng idolo niyang si Jaclyn Jose.

Wholesome man ang role ni Kim sa Super Ma’am, sa nabalitaan naming bagong movie na gagawin niya, “bibinyagan” niya sa screen ang isang batang aktor na yummy rin ang dating at wala ring takot maglantad ng hubad na katawan, huh!

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending