John Lloyd bibigyan ng pangalan ang baby ni Ellen, pero hindi pa sigurado sa kasal | Bandera

John Lloyd bibigyan ng pangalan ang baby ni Ellen, pero hindi pa sigurado sa kasal

Cristy Fermin |January 17,2018
facebook
share this

John Lloyd bibigyan ng pangalan ang baby ni Ellen, pero hindi pa sigurado sa kasal

Cristy Fermin - January 17, 2018 - 12:10 AM

ELLEN ADARNA AT JOHN LLOYD CRUZ

HANGGANG ngayon ay nakaabang pa rin ang ating mga kababayan kung totoo bang magpapakasal na sina John Lloyd Cruz at Ellen Adarna sa susunod na buwan.

Hindi nagpapalit ng kanyang posisyon si Manay Lolit Solis, pinaninindigan nito ang kanyang kuwento, dahil isang hindi nanununog at nangunguryenteng source ang pinanggalingan ng impormasyong inilabas ng manunulat.

Pero nananatiling tahimik ang magkarelasyon, pumitik si JLC nang minsanan lang, pero pagkatapos nu’n ay wala na siyang ibang sinabi pa.

Hindi na raw kasi maitatago ang kasalukuyang sitwasyon ni Ellen, halatado na ang paglaki ng tiyan nito, bibigyan daw ng pangalan ni John Lloyd ang produkto ng kanilang pagmamahalan.

Kung totoo man ang pagharap nila sa altar ay mas marami naman ang nakakaintindi sa aktor, panahon na para ayusin-asikasuhin niya naman ang kanyang personal na buhay, totoo namang hindi na siya bumabata pa.

Aminin kung totoo, ganu’n lang naman ‘yun, at magpaliwanag kung wala sa kanilang plano ang pagpapakasal. Iba na ang malinaw kesa sa malabo.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending