Mas dumami ang ‘adik’ dahil kina Bianca at Miguel | Bandera

Mas dumami ang ‘adik’ dahil kina Bianca at Miguel

|January 17,2018
facebook
share this

Mas dumami ang ‘adik’ dahil kina Bianca at Miguel

- January 17, 2018 - 12:30 AM


DAHIL sa kakaibang konsepto ng kanilang programa sa GMA Telebabad, walang dudang nakuha na ng Kambal, Karibal nina Bianca Umali at Miguel Tanfelix ang puso ng mga manonood.

Mas dumami pa ang naaadik ngayon sa kanilang primetime serye dahil mas naging exciting at palaban pa ang takbo ng kuwento nito.

Matapos ipalabas ang eksena kung saan muling mabuhay si Crisel (Pauline Mendoza) sa katawan ni Cheska (Kyline Alcantara), marami ang nagtatanong kung ano na ang susunod na mangyayari sa buhay ni Crisanta (Bianca Umali).

Titigilan na kaya nito ang kalupitan sa ibang tao o mas titindi pa ang pader sa pagitan ng kambal dahil kay Diego (Miguel Tanfelix). Matatanggap na kaya niya na hindi siya talaga ang itinakada para kay Diego kundi ang kakambal niyang si Crisanta?

Hindi maikakaila ang tagumpay ng Kambal Karibal sa primetime slot ng GMA Network dahil bukod sa kakaibang plot twist, kinakikiligan din ng mga Kapuso viewers ang mga eksena ng tambalang BiGuel.

Solid na solid ang support na pinaparamdam ng kanilang loyal fans sa gabi-gabi nilang pagtutok sa programa. In fact, titigan pa lang ng dalawa sa kanilang mga pakilig na eksena ay trending na agad. Kaya abangan ang mga susunod pang mga pasabog na eksena sa Kambal Karibal weeknights sa GMA Telebabad.

Kasama pa ri dito sina Carmina Villaroel, Jean Garcia, Alfred Vargas, Marvin Agustin at marami pang iba.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending