Sylvia, Sofia pinaiyak ang madlang pipol sa ‘Mama’s Girl’ | Bandera

Sylvia, Sofia pinaiyak ang madlang pipol sa ‘Mama’s Girl’

Reggee Bonoan |January 17,2018
facebook
share this

Sylvia, Sofia pinaiyak ang madlang pipol sa ‘Mama’s Girl’

Reggee Bonoan - January 17, 2018 - 12:20 AM

SHOWING na ngayong araw ang “Mama’s Girl” na nagpaiyak sa lahat ng mga nakapanood nito sa ginanap na celebrity screening sa Trinoma Cinema 7 nitong Lunes ng gabi.

Hindi na namin ikukuwento ang istorya ng “Mama’s Girl” pero bagay na bagay bilang mag-ina sa pelikula sina Sylvia Sanchez at Sofia Andres dahil kahawig ng dalaga ang anak ni Ibyang na si Ria Atayde na present din nu’ng gabing ‘yun.

Proud naman ang supportive husband ni Sylvia na si Art Artayde sa mga narinig na reaksyon mula sa audience, ang ganda-ganda raw ng aktres sa movie at nanibago sila sa itsura nito.

Sabi ni Papa Art, “Gusto ko ‘yung looks niya, nag-level up siya talaga.”

Maging ang mother-in-law ni Ibyang na si Mamita Pilar Atayde ay namamaga rin ang mata habang kausap namin, “It’s really heartbreaking for a mother to leave her only daughter. I love the relationship of the two.”

Tungkol sa relasyon ng mag-ina ang kuwento ng “Mama’s Girl”. Ang daming nagkagusto sa confrontation scene nina Ibyang at Sofia dahil inabutan, ito ‘yung eksena kung saan inabutan ng ina ang boyfriend sa kuwarto ng anak na talagang ikinagalit niya.

At suggestion pala ni Ibyang na idagdag ang nasabing eksena, “Kasi experience ko talaga ‘yun, kapag nag-aaway o pinagagalitan ko si Arjo (Atayde), niyayakap niya ako at hindi niya ako titigilan hangga’t hindi ko siya kinakausap.

“‘Yung sa may kama na eksena, ako rin ‘yun kasi si Arjo kapag hindi ko talaga pinapansin, dinadaganan talaga ako para pansinin ko siya.

“Si Arjo kasi talaga ang lagi kong nakakaaway at nakakasagutan, kaya ‘yung eksenang hindi ako tinitigilan ni Sofia na hindi ko siya kinakausap, totoong nangyari sa akin ‘yun,” kuwentp pa ng aktres.

Malinis ang pagkakadirek ni Connie Macatuno mala-foreign movie ang istilo dahil base sa pagkakatanda namin ay wala pa kaming napanood na local film na ganoon bukod pa sa ang gaganda ng shots, very refreshing ang locations kaya naman hinahanap na rin ng mga nakapanood kung saan matatagpuan ang Mama Minas Pasta House na nasa tuktok pala ng bundok.

May kurot naman sa puso ang script ni Gina Marissa Tagasa kaya siguro maraming namaga ang mata matapos mapanood ang “Mama’s Girl”. Magugulat din kayo sa twist ng karakter ni Ibyang.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Nabingi-bingi naman kami sa lakas ng sigawan ng mga fans nina Sofia at Diego Loyzaga dahil sa konting titigan lang ng dalawa ay tilian na ang mga ito.

Ang “Mama’s Girl” ay mula sa Regal Films at palabas na simula ngayong araw sa mga sinehan.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending