Daniel ‘superhero’ ng mga batang may kanser | Bandera

Daniel ‘superhero’ ng mga batang may kanser

Ervin Santiago |January 16,2018
facebook
share this

Daniel ‘superhero’ ng mga batang may kanser

Ervin Santiago - January 16, 2018 - 12:25 AM

DANIEL PADILLA

HINDI pa rin nakakalimot si Daniel Padilla sa pagse-share ng kanyang blessings sa mga taong nangangailangan.

Kamakailan ay nagsilbing superhero si Daniel ng mga batang may karamdaman nang bumisita siya sa Childhaus. May 50 batang may kanser at iba pang malubhang sakit ang naka-bonding ni DJ para sa “I Am A Hero” charity event.

“Taon-taon naman namin itong ginagawa. May free day ako so ngayon ko siya ginawa para makita ko ulit yung mga bata. Lagi ko naman sila kinukumusta.

“Binibigyan ko lang sila ng lakas, ng strength. Alam nila na may kaibigan sila, may kuya sila,” pahayag ni Daniel sa isang panayam.

Last year, magkasama naman sila ni Kathryn Bernardo nang samahan nila ang mga bata mula rin Childhaus para sa isang special screening ng kanilang pelikulang “Can’t Help Falling In Love.”

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending