Jinkee, twin sister nakipag-bonding sa gwapong k-drama superstar | Bandera

Jinkee, twin sister nakipag-bonding sa gwapong k-drama superstar

Ervin Santiago |January 14,2018
facebook
share this

Jinkee, twin sister nakipag-bonding sa gwapong k-drama superstar

Ervin Santiago - January 14, 2018 - 12:35 AM

INGGIT na inggit ang ilang Pinoy na adik sa K-Drama at K-Pop sa kambal na sina Jinkee Pacquiao at Janet Jamora.

E, kasi nga, nagkaroon ng chance ang magkapatid na maka-bonding ang Korean heartthrob na si Ji Chang Wook, ang bumida sa mga K-Drama na Empress Ki, Smile Again, Healer, at Fabricated City.

Ayon sa kambal, ang makilala up close and personal si Chang Wook ang pinaka-best birthday gift na natanggap nila para sa kanilang 39th birthday today noong Jan. 12. Balitang nakipag-dinner pa ang magsisteraka sa Korean actor.

Nauna nang niregaluhan ni Manny Pacquiao ang kanyang asawang si Jinkee noong Pasko ng isang package na naglalaman ng CD, photo, at kalendaryo na may pirma mismo ni Ji Chang Wook.

Ipinost ito ni Jinkee sa Instagram na may caption na: “OMG!!!!!OMG!!!! Isa sa pinakamasayang araw ko ngayon dahil sa surprise na binigay sa akin.

“As in super ang saya saya ko! Salamat sa kaibigan ni manny na nagpunta kay Ji Chang Wook para dito at may cd pa!”

At bago pa mangyari ang nabalitang dinner with Chang Wook, nag-post na si Jinkee sa IG ng, “I am grateful for my husband for giving me the most sweetest surprise. The sweetest and happiest surprise ever! Thank you, Babe! Love you! (i will reveal it soon).”

Sa IG naman ng kanyang twin sister, makikita ang picture nila ng K-Drama star na may caption na: “Happy to meet you, when I’m in Korea.”

 

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending