Derek bongga ang career, jackpot sa lovelife

By Ervin Santiago January 13,2018
share this

Derek bongga ang career, jackpot sa lovelife

By Ervin Santiago January 13,2018
share this

DEREK RAMSAY

BONGGANG-BONGGA ang pagtatapos ng taong 2017 para sa Ultimate Hunk at award-winning actor na si Derek Ramsay.

Nagwagi siya bilang Best Actor sa 2017 Metro Manila Film Festival para sa kanyang performance sa “All Of You” kasama si Jennylyn Mercado mula sa Quantum Films, Globe Studios, MJM Productions at Planet Media.

Ito na ang second Best Actor ni Derek sa MMFF. Una siyang nagwagi sa 2015 entry nila ni Jen na “English Only, Please.” Tumabo rin ito sa takilya tulad ng ng second movie nila ni Jennylyn together.

Ang isa pang magandang nangyari sa showbiz career ni Derek last year ay naayos na ang gusot niya sa Star Cinema at ABS-CBN. Dalawang movies ang gagawin niya sa Star, una na riyan ang “Kasal” kasama sina Bea Alonzo at Paulo Avelino sa direksyon ni Ruel Bayani.

Magsasama silang muli ni Kris Aquino sa isa pang project sa kaparehong film outfit.

Bilang endorser naman, umeere na ang bagong TV commercial niya for Dunkin’ Donuts. Ilang taon na ring brand ambassador ng nasabing donut store ang aktor, ibig sabihin patuloy pa rin siyang pinagkakatiwalaan ng mga may-ari nito.

Hindi lang competent actor si Derek kungdi isa na rin siyang certified box-office star kaya hindi na nakapagtataka kung maging mabentang-mabenta pa rin siya bilang lead actor ngayong 2018!

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending